isa po akong ofw, may asawa at dalawang anak isang lalaki at babae. nangibang bansa po ako noong 2008 at naghiwalay kmi ng asawa ko verbal lang po. nagkarelasyon at nagbunga iyon ngunit sa kasamaang palad di nya pinagutan dahil meron din pala syang asawa, umuwi ako ng pinas at doon na nanganak nung 2011 (babae). nakipagbalikan sa akin ang asawa ko at gusto nyang ipangalan sa kanya ang bata ngunit dahil sa hiya ko di ko tinanggap ang proposal niya. sa halip ay ipinangalan ko ang anak kong babae sa akin. ngayon po nakapagdecyd na po akong ipangalan ang anak ko sa kanya at maayos na po ang takbo ng aming relasyon at kasulukuyang nasa abroad po kming dalawa. ang tanong ko po eh kung sa paanong paraan at proseso po namin maidudugtong ang pangalan ng asawa ko sa anak kong babae..kasal po kami ng taong 2006..
sana po ay maaadvisan mo po ako upang maasikaso na nmin ngayon sa aming bakasyon. sana matulungan nyo kmi.
thank you and will be waiting for your response.