nabuntis ko po ang aking kasintahan nung pareho po kaming nasa ibang bansa, umuwi po sya bago manganak sa pinas. full support naman ako financially at walang naging problema kung pera lang ang usapan. pero hindi naging sapat sa aking kasintahan na mag stay sa Pinas. hindi daw nya daw kayang mabuhay sa aming probinsya dahil mas sanay daw sya sa city life. Naiwan ang aming anak sa aking Inay sa pilipinas at bumalik ulit sya sa ibang bansa at nalaman kong may kinakasamang iba. Ngaun po ay Anim na taong gulang na po ang anak ko at pinalaki sya ng aking inay ngunit ako po ay nasa ibang bansa para suportahan ang aking ina at anak. ang aking pong katanungan. pwede po bang makakuha ako ng full child custody dahil ako at ang aking inay naman po ang nagpalaki sa bata na walang supporta galing sa kanyang ina? at pwede ko po bang dalhin sa ibang bansa aking aking anak para aking makasama at mapagaral sa bansang aking pinag trarabahuhan?