Pwede po ba humingi ng advice, nakaranas po ako ng pang-iinsulto at di tamang pagtrato ng aking mga kasamahang may katungkulan sa aming paaralan. Ang di tamang trato ay aking naranasan nung panahon na ako ay nasa 1st trimester ng aking pagbubuntis pero nakunan na po (blighted ovum). Ako po ay isang public school teacher, sa isang pampublikong paaralan meron pong tinatawag na principal empowerment na ang ibig sabihin ay may kapangyarihan/discretion ang principal sa mga issue ng paaralan, kabilang ang loading ng teacher. Ayon po sa aming magna-carta ang isang guro ay kinakailangang may 6 hours teaching load, pero sa amin hindi po totally nagagawa iyan kc po kulang ang classroom kaya this year ang loading po namin ay 4 plus 1 lang po pumapatak na 5 hours teaching load. Samantala ang Master teacher ay required talaga na 6 teaching loads kasi po higit na mataas ang sahod nila sa isang teacher 1 na katulad ko. Pero principal empowerment daw po na bigyan sila ng 4 loads lang.
Ako po ay buntis at gumawa ng liham requesting na tanggalan po ako ng advisory class bukod sa 4 na load ko. At sa aking pag-aakala na 6 loads ay ipinatutupad ng paaralan nagrequest pa po ako ng additional load kapalit ng pagpapatanggal ng advisory class. Medyo hirap po ksi ako sa pagbubuntis sa katunayan po ako ay na-ospital pa 2 days before ng pasukan tapos ako po ay naka-assign p na magturo sa covered court kung saan nagro-room ang apat na section. Medyo hindi maganda po ang environment sa court isa pa paakyat po at puro hagdanan ang aking daraanan. Medyo dagdag pong stress sa akin kaya pinatanggal ko po ang advisory class. Isa pa po ang Master Teacher namin ay 4 loads lang compared sa akin na buntis at teacher 1 lamang.
Pinagbigyan naman po nila ako tinanggal ang advisory class ko pero may kapalit na isa pang load, kaso po yung isa kong request na ilipat ang oras ng isang klase ko na 11:20-12:20 ay hindi po nila ginawa.So ng maglabas po sila ng decsion letter para sa akin may karagdan akong isang section bale po magiging 2 preps po ako multi-year level at ganito ang mga oras 6:00 - 7:00, 9:20-12:20 at 12:40 - 1:40. Kung titingnan po ay 20 minutes lang po ang break ko. Ako po ay buntis at pakiramdam ko ay nanadya ang mga head ko dahil ako ay isa sa kanilang "antagonist". Nagrere-act po ako kapag meron akong nakikitang paniniil, o pagsupil sa karapatang magpahayag. Kinausap ko po ang aking department head medyo hindi naging maganda ang aming usapan. Nagbitiw siya ng di magagandang salita (pero di po nagmura ha) and she threatened me na tatanggalan daw po ako sa isa ko pang special assignment na alam po niyang ako ang nagpakahirap. Hindi po naging maganda ang trato niya sa akin. Labis po akong nagdamdam sa mga pangyayari kaya naman po umiyak po ako ng umiyak. Na-stress po ako after almost 2 days nag-spotting po ako at tuluyan ng nakunan at naraspa.
Nagpadala po ako muli ng liham sa kanila(heads ng paaralan) upang ipahatid ang aking mensahe at hinaing sa kadahilanang ako nga po ay nagspotting at tuluyan ng nakunan. Wala po akong narecieve na action o decision letter mula sa kanila, o pasabi. Nabalitaan ko na lamang po mula sa isang kaibigan na sila ay nagcloase door meeting sa aking sulat at ang dating po ay ako pa daw po ang babalikan nila ng DepEd order.
Mga wala po silang kunsensya. Ako na nga po ang nawalan ako pa ang babalikan. Tapos nalaman ko po lumipat na ng ibang paaralan ang principal namin. Maaari po ba akong magfile ng kaso sa kanila? Negligence, unjust treatment to a pregnant employee at abuse of discretionary power?