Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

saan po pwede ireklamo ang isang lawyer?

Go down  Message [Page 1 of 1]

1saan po pwede ireklamo ang isang lawyer? Empty saan po pwede ireklamo ang isang lawyer? Tue Jul 21, 2015 11:18 am

margon


Arresto Menor

Gusto ko po sana humingi ng payo. Mayroon po kaming kapitbahay na isang abogado. Mayroon po kaming naging hindi pagkakaunawaan kung kaya't matagal na kaming hindi nagpapansinan. Isang araw, ang bagong kasambahay ng aming kapitbahay na abogado at ang kasambahay namin ay nagkasagutan dahil sa kalat sa kalsada. Hindi namin ito pinasin dahil ito ay away ng mga kasambahay. Laking gulat namin ng may dumating sa aming sumon mula sa barangay dahil nireklamo ng kanilang kasambahay ang aming kasambahay, at pati ang aking asawa. Sa barangay, hindi nagawang magkasundo ng dalawang panig, dahil talagang hindi namin alam ang dahilan ng demanda. Nagulat na lang kami ng may dumating na resolution sa bahay mula sa MTC na nagsasabing dismissed ang kasong oral defamation at slander, ngunit nahabla ang aking misis ng unjust vexation at ang kasambahay namin ay nahabla ng other light threat. Nagtataka kami dahil hindi man lang kami nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag, ni hindi nga namin alam kung ano ang complaint. Pwede po ba yun, kasi ang sabi sa amin nung pumunta ako sa MTC, direct filing daw yun. Wala po kaming ginawang aksiyon, pero may dumating uling sulat mula sa korte na nagsasaad na dismiss ang kaso due to lack of evidence. Akala po namin ay tapos na pero naka receive na naman po kami ng letter na nag-file ng motion for reconsideration ang complainant. Naguguluhan na po kami. Pakiramdam po namin ay hina-harass kami ng naturang abogado. Saan po namin pwede ireklamo si Attorney? Hindi na po safe ang aming pamumuhay, parang bawat kilos po namin ay tinitingnan at gagawaan ng kaso. Tulungan niyo po sana kami. Maraming Salamat po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum