Ang bahay ng tiyuhin ko po ay nakatayo sa mataas ng lugar (ibabaw ng bundok/burol) na ang isang side ay nasa may highway..medyo matarik ang slope ng lupa nila..Kung kaya't nitong 2017-2018 any nagkaroon ng proyekto ang gobyerno kung saan lahat ng mga ganitong area ay pinalagyan nila ng retaining wall.
Hinukay ang bandang paanan ng lupa nila para mailagay ang retaining wall. Ang hukay sa likod ng retaining wall ay may kalaparan, at hindi ito tinambakan matapos maitayo ang retaining wall. Dahil sa lakas ng ulan nitong mga nakaraang linggo, gumuho ang lupa upang punan ang hukay..Sa ngayon pati ang bahay ng tiyuhin ko ay maaring gumuho..
Sino po ang dapat namin lapitan tungkol dito? pwede ba naming kasuhan ang contractor ng gobyerno? o gobyerno po ang dapat managot?
sana po ay matulungan ninyo kami,
Salamat po..