Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Lupa 300k ginawang 500k dahil nadelay hulog ng 3 years

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

LeonidasTheGreat


Arresto Menor

May lupa na binilli yung parents ko (500 sqm) sa cavite. Ang usapan sa lupa is 300k + tax debt(70k) + yung iba pang gagastusin para magpa titulo ng lupa. Wala pa deed of sale na nangyari o kahit anong kasulatan. Ngayon nakabayad na yung tatay ko ng 190k pero after nun di na nakapag bayad ng halos 3 taon dahil nagka problema sa trabaho. Ngayon nagagalit na yung may ari(actually hindi sya may-ari kundi may special power of attorney ng lupa) na di pa nababayaran yung lupa. Ako na sana ang sasagot nung 110k na utang pero ang gusto nung may ari ay from 300k, magiging 500k. So ang utang namin from 110k magiging 310k + tax debt(70k) + gastos sa pag papa-titulo. Based sa zone price, yung lupa ay 500k. Ngayon nung sabi namin na ibalik na lang yung pera, wala daw sila ibabalik. Isa pang problema baka kunin na ng gobyerno yung lupa kasi may utang sa tax.

Btw, lahat ng transaction dun sa 190k na hulog may acknowledgement.

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Bayaran nyo na lang ang balance na 110K plus yong ibang pang tax. If ayaw tanggapin, ideposit mo yan sa court (consignation). Tapos file ka ng action for specific performance para mapwersa silang gumawa ng deed of sale. Di nila pwedeng baguhin (novation) yong napagkasunduan na kung di naman kayo sumang-ayon. Tapos file ka notice of lis pendens para ma-annotate sa titulo ng lupa na may kaso pa ang lupa kasi pag.hindi, pwede nilang ibenta sa iba. A contract of sale of real property will not bind third parties unless it is put in writing and in a public instrument. Ang kasunduan nyo ng pagbebenta ay valid lang sa inyong dalawa at hindi valid sa ibang tao sa kadahilanang itoy hindi nakasulat at hindi nakanotaryo. May mga rights na naibigay sa iyo pero hindi pa ang right na maangkin ang lupa.

LeonidasTheGreat


Arresto Menor

Filia wrote:Bayaran nyo na lang ang balance na 110K plus yong ibang pang tax. If ayaw tanggapin, ideposit mo yan sa court (consignation). Tapos file ka ng action for specific performance para mapwersa  silang gumawa ng deed of sale. Di nila pwedeng baguhin (novation) yong napagkasunduan na kung di naman kayo sumang-ayon. Tapos file ka notice of  lis pendens para ma-annotate sa titulo ng lupa na  may kaso pa ang  lupa kasi pag.hindi, pwede nilang ibenta sa iba. A contract of sale of real property will not bind  third parties unless it is put in writing and in a public instrument. Ang kasunduan  nyo ng pagbebenta ay valid lang sa inyong dalawa at hindi valid sa ibang tao sa kadahilanang itoy hindi nakasulat at hindi nakanotaryo. May mga  rights na naibigay sa iyo pero hindi pa ang right na maangkin ang lupa.

Thanks @Filia

Ang pinoproblema ko naman ngayon, kelangan ko yata ng attorney para magawa yung mga suggestions mo. Yung 3 problema ay nasa singapore ako ngayon tapos yung gagastusin para sa attorney. Yung parents ko ay nasa ibang bansa din ngayon.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum