Good day mga sir/maam, question lang po about sa kaso ng attempted homicide. From the start bias na po nangyari since baranggay tanod naka-bangga ng kapatid ko. Hindi sya naka-attend sa mga patawag sa bgy. at sa korte since pakiramdam nya brinabraso sya. So ayun po, nagkaroon sya ng warrant of arrest then nag-bail po kami after that nagka-hearing ulit at nagkasundo na areglo na lang. Nung time ng hearing na pipirma ung kapatid ko di sya naka-attend so nagresume ung kaso at pagkakaintindi ko po sa letter from court, magrerelease po ulit ng Warrant, after that wala na po kami nareceive na sobpoena po ba tawag dun o ano galing sa korte. Tanong lang po pag po nagpakita kapatid ko para ayusin areglo nila makukulong po ba sya at isa pa pong tanong pwede po ba sya makakuha ng NBI?
Free Legal Advice Philippines