We've been renting our place for about 33 years na po. Sa pagkakaalam po namin, naka-3 owners na po itong tinutuluyan namin. Namatay po yung 3rd owner (single) and now, yung mga kapatid nya po ang nagma-manage and sa kapatid din po kami nagbabayad ng rent. Matagal na po kaming ine-encourage ng kapatid ng owner na bilhin na po tong apartment. Gusto man po namin talaga ay wala po kaming pambili
Then recently, bigla na lang po may sinamahang "buyer" yung kapatid ng owner at nag-inspect ng place namin. We were not informed na naghahanap na po sila ng ibang pwedeng bumili ng place namin. Also, we issued pdc until Dec.2016 pa so we assumed na hindi pa nila ipagbibili. Few weeks later po ininform po kami na nakipag-deal na sila sa "buyer" and nilalakad na nila yung papers. At pinapaalis na po kami dito sa tinitirhan namin by the end of this year.
If now we wanted to buy this property through the help of our relative, may right pa din po ba kaming mabili tong property kahit nakipagclose deal na sila sa buyer nila?Nakasaad po ba sa law natin na priority ang tenant sa pagbili ng lupa na tinitirahan nila? Sa pagkakaalam po namin wala pang bayaran na nangyayari at pina-process pa po mga papers. Issued pdc's for our rent until next year is still with them.
Thanks po.