Itananong ko lang po. Kasi namatay po father ko 2010. Regular na siyang may pension sa GSIS na naifile namen nung 2010 din sa GSIS Pasay. Na disapprove ang application dahil sa kakulangan ng documents. Na re-open ulit namen siya ngaun February 2015. Ang sabi samen ng nag pa-process ng paper na ang naka file daw na dependents ng father ko ay Charito pro ang pangalang ng mother ko legally ay Rosario. Isa sa mga requirements na hiningi nila ay ang Affidavit of the same person.Ilang beses kaming pabalik balik para ma kumpleto lang and required documents. Nung June, na irelease na nila ang Burial Claim check at ang tanging inaantay nalang namen ay ang Pension nya na naipon mula ng namatay ang papa ko nung 2010 hangang 2015. Pinangakuan kami na mai rerelease na ang check hanggang sa naka tanggap ako ng tawag na nagka problema daw kasi may nakitang Loan ang father ko. Para hindi na tumagal ang process ay agad nameng binayaran ang loan. Nung nakaraang araw nakatanggap nanaman ako ng tawag na may hinihingi nanaman silang documents. Grabe na ang hirap at gastos namen sa perang hindi pa namen nakukuha. Sana po ay may makapag bigay ng advise sa nangyayaring pahirap samen ng GSIS.
Free Legal Advice Philippines