Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

SSS Survivorship Pension & Death Benefits; Help needed!

Go down  Message [Page 1 of 1]

UtopianDweller


Arresto Menor

Good day po! Nais ko pong humingi ng tulong para sa aking lolo at ang dapat niyang makuhang SSS benefits mula sa lola ko na pumanaw na. Kung tutuusin 6 years na pong pumanaw ang lola ko at hindi pa po makuha ng lolo ang benefits. Ang problema daw po kasi ay kasal daw po ang lola ko sa ibang lalaki bago po sa lolo ko noon, pero mayroon po kaming "indices of marriage" ng una ko lolo at pinapakita doon na apat na beses po siyang ikinasal sa ibang babae. 1 bago ang lola ko at 2 pagtapos niya.

Ang sabi daw po sa SSS ay hindi daw po nila maibibigay ang benefits hanggat hindi pumipirma yung una ko pong lolo ng waver na hindi siya maghahabol ng kahit anong pera o kaya death certificate na pumanaw na siya. Pero hindi na po namin alam kung saan siya hahagilapin, halos 50 years na po namin siya hindi nakikita. Kahit pong anong connection eh hindi po namin siya mahanap.

Humingi na po ang lolo ko ng endorsement sa director ng SSS at ito po ay napirmahan at ipinasa po namin, pero hindi po ito tinanggap. Kailangan daw po talaga ng waver or death cert. Alam din po pala namin na "null & void" and kasal ng lola ko sa lolo ko dahil dun sa "indices of marriage" niya eh kasal po siya sa iba. Sinabi rin po namin yun pero kailangan daw ng proof na hindi pa pumanaw yung unang asawa ng una kong lolo bago ikinasal sa lola ko para masabi na "null & void" nga yung kasal nila.

Hindi na po namin alam kung saan hihingi ng tulong, kahit advice lang po kung saan kami dapat pumunta at kung ano po ang dapat naming gawin. Maraming salamat po at malaking tulong po ang maibibigay niyo samin. Magandang araw po at God Bless.

UtopianDweller


Arresto Menor

Please po.. kahit anong advice lang po kung ano po pwede naming gawin. Maraming salamat po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum