Hi I just saw your reply on my post, thank you so much for enlightening me. I am just so bothered because it was really not our intention na lokohin yung pinaghiraman po namin to the point that alam naman po namin sa sarili namin na makakabayad po kami.. what happened was, i have a sister na may kakilala na nagpapautang kapalit is yung atm card namin sa payroll, nakapagtry na po ako makahiram po nuon sa kanya and i was able to pay it naman po before. ngayun po lumipat po ako ng trabaho at sinubukan ko po ulit sa kanya na humiram ng money kapalit po is yung atm po sa lilipatan ko po, yung first na hiram ko po sa kanya is 7,000 and since nagipit po kami and meron po kami kinakailangan na bayadan, i tried to convince some of my friends na humiram ng money since sabi naman po nung inuutangan kung may kakilala pa daw po siya na nagpapahiram i refer lang daw po sa kanya, since sobrang gipit po kami that time and sobrang dami po namin kinakailangan na bayaran i convinced some of them na humiram in return po maghahati po kami dun sa money, na ang usapan po namin na kapag naghulog po sila ako na lang po magbabayad tapos iaabot nlang po nila sakin yung hulog po nila,, now po hindi ko naman po inaasahan na bigla pong nagsara yun account sa company na pinagtatrabuhan ko po kaya di po ako nakahulog and dun niya po nakita na wala na pong pumapasok na pera sa atm po kaya po siya nagalit and sinabi po na niloko daw po namin siya. nakipag usap naman po ako after that and i apologized for what happened and inassure naman na magbabayad po kami sa nahiram kahit ako na lang ang gumawa ng paraan, now i understand na nagagalit siya pero nagdedemand po siya na ibalik daw po yun kalahati within the week or else magsasampa daw po siya ng case, ang sabi ko naman po kung may mahihiraman po and gagawa po ako talaga ng paraan nag woworry lang po kasi ako sa panggigipit nya po, ngayun po ay magsisimula na po sana ako sa bago ko po trabaho para makapagbayad na po sa kanya im just worried na kapag nag file siya ng case against me is mawawalan po ako ng source ng trabaho and pangamba ko po is baka mas lalo po ako hindi makapagbayad sa kanya. til now nakikipag communicate po kami sa kanya para maidaan po sa maayos na usapan and maresolba po lahat at magbayad na lang po para di na po umabot pa sa ganun.. anu po kayang pwede ko pong gawin natatakot po ako and worried and binabantaan niya po kasi ako na ipapadampot niya daw po ako and sinisiraan niya po ako sa facebook.. what will i do pls enlighten me thank you i really need yur help