Gusto ko po sana mag aral muli sa kolehiyo. Ang problema lang po ay wala akong kakayahang pampinansyal kung kaya't madalas na napag uusapan namin ng aking nag iisang kapatid sa ama na ipaubaya na sa aming mga tito at tita ang share ni papa sa bahay at lupa nina lolo at lola kapalit ang tama at nararapat na halaga.
Sabi po ng mga kapatid ng aking ama ay 300sq meters lang daw po ang laki ng lupa na yun. kung hahatiin daw po sa kanilang anim ay 50sq meters lang daw po ang mapupunta sa bawat isa. Kung ibebenta naman daw po yun ay nasa P30,000+ lang daw po iyon.
Parang imposible naman po yun dahil maganda po ang pwesto ng lupa at nasa tabing kalsada pa po. Inaayos na rin po ng gobyerno ang mga kalsada kaya't nadedevelop narin po ang lugar.
ano po ba ang dapat po naming gawin? pakiramdam po kasi namin ay iniisahan po kami ng aming mga tito at tita.
Gusto po sana namin na ibigay po saamin ang tamang halaga po ng share na lupa ng aking ama dahil ulila na rin po kami at kami po yung mas nangangailangan.
sana po ay mapayuhan nyo po ako.
Maraming salamat po! God Bless!