Ang lupa ay conjugal property ng aking nanay at tatay. Yun po ang aking pagkakaalam.Ang huling habilin po sa amin ng aking nanay ay sa aming dalawa ng aking kuya mapupunta ang titulo ng lupa na nasa Tagaytay Bato Leyte. May tampo po siya sa aming Tatay kaya bago po siya mamatay,sinabi niya po sa aming dalawa ng kapatid ko na ipangalan po sa amin dapat ang titulo. Nasa Cebu po siya noon bago siya mamatay. At ang Tito ko naman po na gustong panghimasukan ang lupa ay nagmalasakit kunwari na tutulungan niya daw kaming mailipat ang pangalan ng titulo sa aming magkapatid.Kaya naman ipinadala ko pa po yung dokumento at mga titulo thru JRS express sa Cebu para nga po mapabilis ang proseso sa pag aakalang tutulungan niya kami.At nadiskubre pa po namin na pina thumb mark niya po ang nanay ko sa titulong yun bago mamatay kahit di na nakakakilos at nakakapagsalita.Di po alam lahat ng tatay ko ang tungkol dito at saka lang niya nalaman nung nakathumbmark na si mama.
Ngayong patay na ang aking nanay,hinihingi na po namin yung titulo na nasa kanya. Pero mukhang wala na siyang balak ibigay sa amin ang titulo at pinagpasapasahan na po kami kesyo ibinigay niya po yung titulo sa isa kong Tita etc. etc..Yung Tita ko naman po na itinuturo ng Tito ko na may hawak "DAW" ngayon ng mga papeles ay iniiwasan naman akong kausapin sa phone. In short, di nila ibibigay sa amin ang titulong dapat ay para sa amin. Ang sabi pa ng Tito ko ay Siya na daw magbabayad ng tax sa BIR pero nung una ay hiningi pa niya saming magkapatid ang TIN # namin. Natatakot lang kasi kami na baka mapunta sa kanya yung lupa since pwede niyang sabihin na siya ang nagbabayad ng tax nun.
Ngayon po ang tanong ko:
1. Pano po ba namin mababawi ang titulo ng lupa na nasa kanila na ngayon?
2. san po ba kami pwedeng humingi ng isang kopya ng titulo?
3. Pano po mapapawalang bisa sa kanila ang titulong hawak nila just in case na inilipat nila ang pangalan ng titulo sa pangalan nila?
4. Kapag ba nabayaran nila ang tax,pwede nilang angkinin o ibenta ang lupa?
5. san po ba kami makakahanap ng public attorney at kailangan pa po ba naming humanap ng lawyer sa kasong ito?
6. Ano po ba ang unang una naming dapat gawin naming magkapatid at ng aking tatay sa kasong ito?
7. Pumunta kami sa register of deeds sa lugar namin kaso di namin mahanap ang pangalan ng nanay ko doon.Posible bang naibenta na nila ang lupa?
Last edited by jonahgiggles on Fri Oct 01, 2010 6:15 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : additional questions)