ung 250 SQM residential lot with old dilapitated nipa
house ang mana daw ng asawa ko sa magulang nya, patay na nanay
nya at tatay na lang nya buhay ng dineklara verbally
ito...4 sila magkakapatid. ang mana dw ng tatlong kapatid
nya eh ung 2 hectares na umaaning bukid ng palay. Mas
kailangan dw ng mga kapatid nya ang kumikitang lupa kaya
yung residential land na lng mana ng asawa ko kc may
trabaho naman ang asawa ko...dahil may usapan naman na
ganun at ok naman sa lahat ng magkakapatid, ibinigay sa
aming mag asawa ang titulo ng residential lot na iyon,
na pinatayuan nmin ng bahay. hindi namin napatransfer
ang titulo ng lupa sa pangalan namin mag asawa. ng
nagawa na ang bahay, sa amin nakatira ang tatay nya at
ang bunsong kapatid ng asawa ko, binata kc. ngunit may
ugaling lasingerro at pala utang na hindi nagbabayad
kaya malimit na sinusugod ang bahay namin ng mga
pinagkakautangan nya.Suma tutal, napilitan kami ng mga
anak ko ( dalawang batang lalaki, edad 4 at 2) na umuwi
muna sa bahay ng magulang ko dahil naka abroad ang asawa
ko at natatakot ako pag nalalasing ang bayaw ko.
Namatay sa atake sa puso ang byenan ko after 2 years.
Hindi pa din kami tumira duon, ng makabalik buhat saudi
asawa ko after 3 years, nun lamang ulit kami tumira
duon, pero, Sira na padlock ng kwarto namin at yun na
pala ang ginawang kwarto ng bayaw ko, kahit na may
sarili talaga syang kwarto maski nun dun pa kmi
nakatira. Sira na rin door knob ng walk in closet namin
at ang CR sa loob ng kwarto namin. At dun namin nalaman,
nalimas na jewelry box namin mag asawa. Hindi inamain
ng bayaw ko na sya me gawa nun. dinatnan na dw nyang
sira ang mga yun. Pati titulo ng lupa ng bahay ay wala
na din sa cabinet namin mag asawa.....ano po ang legal
at tama kong gawin....talo na po ba kaming mag asawa?
wala na po chance mabawi namin ang bahay namin sa bayaw
namin, willing kami sumunod kung ano man itakda ng
batas, wala lang maaagrabyado maski sa mga kapatid nya.
sa tama lang po kami lalagay. salamat at mabuhay po kayo