Ang lolo't lola namin ay matagal nang patay at hindi na naidivide legally sa mga anak ang lupa. Nakatira po kami sa isang family compound sa probinsya. Maliliit pa man kami, divided na yon sa mga anak ng lola't lolo namin. Pero pareho nang patay ang mga grandparents namin at di na nailipat ang mga titulo ng lupa sa mga anak.
May isang kapatid ang magulang ko na gahaman sa lupa. Ang mga lupang naipundar ng grandparents namin ay onte onte nyang isinasanla sa mga tao sa lugar namin.
Dahil sa nakasanayan na naming magkakapatid na walang ibang apelyido/family sa compound, nong naghanap ang tito namin ng mapagbebentahan ng parte nya ay binili ng kapatid ko. Isa din sa kapatid ng magulang ko ay nangailangan ng pera.. kung kaya binili din yon ng kapatid ko.
Ang problema, gusto nya maiayos ang papeles ng lupa kung kayat humingi sya ng permiso sa mga kapatid ng magulang ko at meron silang mga pirma na magpapatunay na pumayag silang ipasukat ng ate ko ang mga lupa sa acessor's office. Subalit... namatay ang isang kapatid ng magulang ko at don nagsimula ang kalbaryo namin. Palaging nagwawala ang mga anak ng tito ko (nagsunog ng lupa, nagbunot ng "marker", nagwala ng hatinggabi at inikot ang bahay namin, ipinagkalat sa mga kamag anak din na nagkakamkam ng lupa ang magulang ko).
Gusto ko pong mabuhay ng masaya at tahimik ang mga magulang ko. Wala po akong nakikitang mali sa pagpapasukat ng ate ko ng lupa dahil pagsunod lamang iyon sa batas. Pero ano po ang pwdeng gawin sa kamag anak naming tinatrato ang magulang ko ng di mabuti? Pwde po ba silang kasuhan? Ano po ang pwde gawin pra maintindihan nila ang importansya ng land title?
sana po ay matulungan nyo kami sa lalong madaling panahon... salamat po.. God bless.