Pitong magkakapatid po sila including ang nanay ko namatay na po ang magulang nila. Kaya meron silang namanang lupa. Sa ngayun hindi pa ito nahahati-hati dahil sa magulong partehan ng lupa. Matatanda na din po kase sila.
1.In case may namatay isa sa kanila may karapatan po ba ang naiwang anak o asawa ng namatay na kapatid?
2.Pwede po bang magdecide ang isa sa mga kapatid kung aling property ang gusto nyang makuha? Ang isa po kase sa kanila parang siguradong sigurado na yung property na yun ang mapupunta sa kanya. Pinalagyan na nya ng bakod yung property at tinaniman na daw nila ito.
4.Yung isang kapatid nilang nasa abroad (walang asawa at anak) Bumili ng property pero ipinangalan ito sa magulang nila . Consider po ba ito na property na din ito ng magkakapatid nung namantay ang magulang nila since walang iniwang last will ang magulang nila?