Hihingi po sana ako ng advice, ito po kaso namin:
Authorized lang ang mama ko na maningil ng upa sa pinapaupahang kwarto ng pinsan nya. May isang tenant na mag 2-2 years ng hindi nakakapagbigay ng upa at puro pakiusap lang, at since ang may ari ay nasa probinsiya tinanggap ang pakiusap hanggang sa tumagal na nga hanggang ngayon. Ngayon ang may ari since walang nakukuhang income gusto nang palayasin at yung tenant mukhang walang balak magbigay kasi daw kung hindi daw madaan sa pakiusap di sila magbibigay ni magkano.
Ano po pwede naming gawin? Pinag utusan lang yung mama ko na palayasin na at may kasulatan naman. Nasa sulat nmn na hanggang katapusan na lang sila nitong buwan. Ano po maari nming gawin kung hindi sila umalis? Pwede ba namin na papirmahin siya sa kasunduan na kapag hindi sila nakaalis sa katapusan ay ilolock na namin yung bahay?
Maraming Salamat po.