Nasa batas ng Pilipinas na walang makukulong sa hindi pagbabayad ng utang ngunit kung ang utang ay gawa ng talbog na tseke o may panloloko, pwedeng ipakulong ang umutang.
Rome, Mayo 14, 2012 - Nasa Sec. 20, Art. III ng 1987 Constitution that "no person shall be imprisoned for non-payment of debt." Pero kung ang pag-utang ay may kasama o gawa ng pagtalbog ng kanyang tseke para kabayaran sa utang, panloloko upang makautang o pangeestafa, hindi pagbabalik ng pinagbentahan under trust receipt o paggamit ng credit card at pagtatago pagkatapos gamitin ito ay may karampatang parusa na kulong.
Ang violation ng Batas Pambansa Bilang 22 otherwise known as Anti-Bouncing Check ay hindi nagpaparusa sa hindi pagbabayad ng utang. Ang pinaparusahan ng batas na ito ay ang pag-iissue ng tseke na talbog na nakakagulo sa banking industry at nakakaapekto sa banking at financial system ng Pilipinas.
Kung kaya ay dapat mag-ingat sa pag-issue ng tseke at siguraduhin na meron itong pondo dahil mere bouncing ng check ay violation ng BP22 and good faith is not a defense.
Gayunpaman, sa Pilipinas, ang simpleng utang na hindi lalagpas sa P100,000 ay pwede nang singilin sa Court of Small Claims kung saan hindi na kailangan ng abogado under Supreme Court Administrative Matter No. 08-8-7-SC otherwise known as “Rule of procedure for small claims cases”:
Ang Small Claims Court ay tinatag ng Supreme Court upang maging mabilis at matipid ang paniningil ng utang na hindi lalagpas sa P100,000.00.
Under S.C. Administrative Matter No. 08-8-7 otherwise known as "Rule of Procedure for Small Claims Cases", ang isang utang galing sa pagpapaupa, pagpapahiram ng pera, serbisyo na ginawa, bentahan, sanglaan, kapabayaan o kontrata na ang sinisingil ay hindi lalagpas sa P100,000 ay pwedeng isampa sa Metropolitan Trial Court - Court of Small Claims kung saan gagawa lang ng complaint ang naniningil at agad na pasasagutin ang umutang.
Pagkatapos ng isang hearing ay magdedesisyon na kinabukasan ang korte sa kaso. Nasa Section 17 din ng rules na ito na bawal ang mga lawyer sa ganitong kaso except kung ang lawyer mismo ang nagsampa o sinampahan ng kaso