Mayroon po akong inutang na 4000php at dahil sa may interest napagkasunduan namin na ibabalik ko ito pagkatapos ng 60 days ng may +1000php. malapit na mag 60 days at hindi ko pa nabubuo ang pambayad ko sa utang na ito. Sabi ng inutangan ko na ipapakulong po niya ako. meron po ba ako pwedeng gawin? meron na daw siyang attorney at natatakot ako na ipakulong niya ako.
Meron pong kasulatan ang utang na ginawa ko at nakapirma po ako doon. parehas po kaming may kopya. hindi po nakalagay doon na may interest siyang pinatong sa akin at may nakasulat din po na
"As a collateral Mrs. Hime009 entrusted me with the care of her Stereo system and Handheld gadgets"
dahil po may iniwan din akong mga gamit sakanya para maka-sigurado daw siya na magbabayad ako.
Hindi po ba pag collateral yun ang considered na bayad pag hindi ka nakabayad?
Anu po ba ang pwede kong approach? Salamat po.