Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

experts, advicers, lawyers and opinions by others.. pls advice me!! :p

5 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

ganto yan..

ehem!! tubig nga!!

im legally married year 2002 yta? civil way lng at madalian lng for some reason.. im only 21 that time.. yyeehheee.. sariwang sariwa pa:)

then si misi naman ay 18 ang actual age pero since may typographical error sa bc nya? lumalabas is 17 lng sya kung susundin ang b.c nya.

but then kami ay nanumpa sa harap ng huwes at sa 2 pares ng testigo kasama na ang malaking punong mangga. sa madaling sabi nakasal at naka register sa nso. though parang kung akoy mag papa marital review eh mukang may grounds to declare this mariage void ab initio lalo na at walang conxent ang kasalang naganap both parents.

then nag ka anak kami ng 2 cute na cute na mga na mga kamuka ko:)

ngayun is isang 11 years old at 8 yeras old. girl and boy.

pero 1 year old pa lng si baby boy ng physically mag hiwlay kami.. we try to work things out and try to save the relationship pero even so?

sa hiwalayan na talaga nauwi..

nag akron ako mga afair sa mga limipas na panahon.. (nakzzz)

si misis naman eh balita q eh may kinakasama na at may anak na din sila ngayun 1 year old yta?

alam ko na madami ako pwde ikaso sa kanila rgarding with this.

but that is not the isue here, di naman ako bitter lalo na hapi naman yta sila?

the point here is nasa custody nya ang mga bata at akoy parang kabute lng na pa sulpot sulpot para bisitahin ang mga bata.

nag susutento as obligation pero minsan dala ng mga ilang kadahilanan ay nakakalimot. lalo na alam ko naman kc na financialy stable din si wife..


(oh wag na sermon alam ko di katwiran yon) hehehe

now.. eto pang famas na litanya ko!!

i swear to god!!!!! gustong gusto ko makuha ang mga bata and i knw naman at aware naman ako sa laws regarding dito considering there age, grounds, reason etc..etc..

god knows how i mis my children at kung gaano ko sila ka gustong masubaybayan at mapag masdan s apag tulog at sa araw araw.

sa kabila ng mga cute na ngiti ko? may lungkot na mababasa sa aking mga mata at maigting na kagustuhan na makasama ang aking mga junanakz Sad

ni hndi ko na alam kung anong paboritong pag kain ng mga ito? paboritong actors and actress, favorite color or even likes and dislikes nila Sad o sa madaling sabi.. di ko alam ang nilalagay nila sa slumnote Sad

in the name of God almighty i swear!!!!

gustong gusto ko sila makuha pero sa tigas ng pag mumuka ng wife ko?

hindi yun papayag sigurado.


as ref story above?

experts and lawyers and even opinion by the others are very welcome to advice and give ideas and tips kung paano gagawin ko para makuha sila..

some1 advice me na idemanda ko ng adultery since i have the evid and strong proof lalo na at may anak na sila etc..etc.

pero ayaw ko naman ng ganung option wla naman ako intention na guluhin sila.

pls bigyan nyo ako malufet ng tips and ways for this.

LandOwner12


Reclusion Perpetua

ow, ow, and isa pang ows..
idol naman,, ang galing galing mong mag advice,
dito ko lang narealize, talaga palang out of own experience ang pinaghuhugutan mo ng mga malulupit na payo.
wag na nating pag-usapan ang legalities, alam na alam mo na yan,, so personalan na to..
i opt to post in here, instead of clicking PM, para naman baka mabasa ni ate Charo, eh bigla tayo contakin para isa pelikula haybu mo...

Parang daan lang to eh, 2 ways, kahit na merong nakalagay na one way, pwede pa rin daanan, basta walang kasalubong, at walang LTO.. Wink
eto pa..
" a million miles of journey begins with the 1st step."
so..
step my step, even baby steps, gawa ka ng paraan para makasama mo junakids mo....
alam mo na details,,, basta, unti unti,, at maging goal mo....
pwede mo isulat sa bubong ng bahay mo as a reminder ano gusto mo...
at kausapin mo rin esmi mo, explain to her your motives, to get her cooperation, at sabi ko nga, pwede kayo magpakasal uli to different partners if u want, but still ur common children should still enjoy the love and affection of each one of you,, walang damutan, at wala ring pakialaman sa kanya kanyang partner..
tingin ko naman, basta malatag mo sa kanya ang nasa isip at damdamin mo, maiintindihan ka non,
to the point, naghamahalan kayo in the past,, so go...

at eto pa,kung di mo makuha agad ang suporta ni esmi, try to explain ur goal to your children
malalaki n cla, they can already understand. I believe they are also longing for their father,
so ano pang hinihintay mo.... go na,,,,,
good luck Idol....
kaya mo yan...

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

awwww!!!

what phrase and words of wisdom from fetmalu kaibigang landowner Smile

pero nigawa q na yan eh..

pero ayaw talaga ni wifey. even pinadalahan q na sya threat letter na idedemanda q sya adultery including ng mga documents na gagamitin q againts her..
kala q semento lng ang matigas ? Smile pati muka nya tigas din!!

"go ahead daw!!! tik na yan.. ni hndi nya naiisip na pwdeng pwde talaga q ito gawin at pareho kami ma abala.

pero mahirap talaga di sya nakukuha sa matinong usap eh:) i only did that only to shake her hopia between her legs!!

pero itlog ko ang na shake ng sinabi nyang ready sya sa court.. hehehe

kya ayun. back out ako at wla naman ako tlga intention:)

well minsan naiisip q na mag wait na lng ng time na mga anak ko mismo ang matutung mag byahe at tuntunin ako once sa sandaling college na sila halimbawa?

pero ang tagal non eh..Sad

nagawa ko ng idasal yan ang kagustuhan q sa ibat ibang paraan at paniniwala

pati nga pag papapako sa krus parang gusto ko na gawin matupad lng yan eh:)

regarding ate charo.. ayoko naman i bradcast sa lahat ang mala xerex kong buhay Smile

unless kung si coco martin gaganap sakin ahihihihi:)


para mas di kapani paniwala:)

anyway, il kip your words and wisdom kung saang baul mo man yan nahagilap hahaa!!

tnx a lot..

but stil ideas from others are very welcome!!

kung talagang need idaan sa court ok lng. basta may chance lng..

or any strategy kc almost nagawa q na lahat. nag sakit sakitan na nga ako at kunwari may taning na buhay q para lng baka sakali ibigay ang last wish ng dying breath q:)

pero takte talaga.

wa pakels daw sya!!

anyway.. pag wla na talaga ibang option? siguro.. ewan bahala na. ayaw ko naman gumawa anything againts the law!! Smile

pero empeyrness kaibigang landowner..

ang tinik mo talaga pag dating sa mga advice!!

para kng buntot ng bangus:)

your 1 of a kind!! humayo ka at mag pakarami mabuhay!!

LandOwner12


Reclusion Perpetua

ano b kasing ginawa mo at naging ganyan katigas ang damdamin nya..
correct me if i'm wrong, at aminin,,,, Wink but i think ikaw ang unang nangaliwa, kaya malakas ang loob nyang di mo kayang idemanda ng adultery...
well, kung nagawa mo na ang everything under the sun, just make it clear na wag lumayo ang loob ng mga bata sayo, at wag tumimo sa isip nila na inabandona mo cla,,,
I still believe,, there is still goodness left in her, do not give up..
pwede pa nga kaibiganin mo partner nya,, if that is the only way to get to your children
but the problem na magkalayo kayo, medyo challenge rin yan..
now that the feelings were gone, what remains are responsibility, that your children will grow with the right mind set, and will not repeat what happened to their parents...
mahirap kasing lumaki from broken family,, dala dala yan pagtanda...
andyan na yan,,,we can not mend our past, but we can shape their future,,,




raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

sinubukan q na kaibiganin yung partner nya.. pero wa epek, basta sabi nya dnt wory and i will take good care of kurdapya (my wife)

i ask if pwde kami maging mag kaibgan?

he refuse and he say no need na..

well nauunawaan ko yun considering his ego. ako man sa katayuan nya di din ako papayag na maging kaibigan q ang ex-husband ng kinakasama q halimbawa?

thats ego and pride at likas yan sating mga mala adonis Smile

and even si wife. she totaly block all the chances and ways for me to reach her. siguro as per request ng partner nya.

kc xempre. sino nga naman ba ang matinong lalake na hahayang mag karon open comunication si si kurdapya sa dating asawa?

and as respect naman ni kurdapya sa curent partner nya kya sinunod nya. and ok lng naiintindihan ko yun.

its more on ego and i fully understand naman. sabi nga sa part ng ganto? forget about legalities and laws. its purely pride and ego na nauunawaan ko naman dahil lalaki din ako.

kya very desperate na ako talaga kc ginawa ko na halos lahat ng paraan.

kya nagbabaka sakali ako bka may iba png makapag bigay ideas and tips or strategy na pwde ko gawin na hndi ko pa nagagawa.

and ok cge i admit. ako unang nagkaproblema why the good love goes bad.

well?

dala siguro ng kabataan at kawalan ko ng maayos na pag iisip noon. uu ako ang unang nagloko. dspite ng trust nya at love nya sakin. mejo during my time with her even we love each other so much.. eh mejo naging mahina ang sariwa kong katawan Smile

i mean.. nabuyo ako sa isang petite at tisay at sweet na babae:)

hangagng sa nanlamig ako kay kurdapya at dito ako nabuyo kay kulasa Smile

but after a months. nadiskubre ko si kulasa? hndi pla tunay na hiwalay sa asawa nyang si kulafu. parang dinudumihan nya ulo ng asawa nya gamit ako at ang aking dakilang feelings.

awa naramdaman ko kay kulafu kya from that moment. nakipag hiwalay ako kay kulasa.

but huli na ang lahat for me ni kurdapya na asawa ko. iniwan na nya ako at umuwi sa mudrabels nya.

pero dahil nga sa kawalan ko ng tino sa uak that time?

sabi ko.. cge.. keri lang Smile

and then nag ka afair pa ako ng nag ka afair kung kani-kanino at kung saan-saan

until i reached this moment na andun yung sobrang pag sisisi sa pag papabaya ko sa isang relation na pinabayan kong masira kung saan nasira pati family ng mga junakids ko.

pero wla na ako magagawa. its all happen and done na.

now all i want is to get my children. kya as per ref story.

im looking for some ideas and tips and tell me what to do kung may paraan pang naiisip ang iba aside sa mga paraan na nagawa ko na.

goodluck sakin and more babies to come Smile

addition nga pla kaibigan : year 2009 q pa huling nakita ng personal si kurdapya na asawa ko. even fb nya at nung ka partner nya ngayun na si prokopyo eh nka private kya wla ako updates sa kanila. and they are doing well and congrats sa kanila Smile

di gaya netong huli kong naka partner.. ayyy sobrang tigas ng bungo!!!! lintek sa epbi kya palagi sya na tra-trace ng mga past relation nya!! hndi ko ma kontrol ang lekat!!

kya hayaan ko na sya sa buhay nya!!! hahaha

alex1973


Arresto Menor

since mga kids mo naman ang gusto mo makasama and not your wife then why not try mo unti untiin na mapalapit sa kanila.  Kung makakuha ka ng cp number nila, txt mo sila that if they need help. You will always be there for them.  Well, just braced yourself at baka biglang mang hingi ng expensive things. hehehehe, pero kidding aside pag nalaman nila nandyan ka palagi ay napakalaking bagay.

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

@alex:
yeah tnx for the tip:)
ginagawa q naman yan bro.. i always tryng to reach them.. pero hndi ganun kadali eh.. minsan nga lumuluwas ako sa batanggas at parang spy na naka abang sa labasan ng bakuran nila nag babaka sakali makita mga bata. 4 na school ang nasa lugar nila nag baka sakali ako pero wla sila record don.

naka ready naman ako if sakaling mag karon ng chance maka sama ko sila gya ng sinabi mo na bka mag ask ng expensive things. infact may nka laan ako talaga for them at nag open ako acount for them na monthly ko hinuhulugan at kahit sardinas na iulam ko? di ko ginagalaw kasi para sa kanila talaga yun.

tnx again sa coments and tip:0

alex1973


Arresto Menor

ganun talaga at least you are making effort na makita sila at mahanap. pasasaan ba at magkakaroon ka din ng chance na makasama sila. mahirap talaga na kung kelan nakasara ang pinto doon gusto pumasok pero nung naka bukas hinayaan lang.
unconditional ang pag mamahal sa mga anak and at least ikaw alam mo na ngayon na kahit di man nagsasama ang biological parents basta ang dapat priority ang mga bata and its never too late sabi nga.

LandOwner12


Reclusion Perpetua

@alex1973
oy, nakakarelate talaga,,,,

oo nga,
ramdam ko nga rin sakit na nararamdaman nyang kaibigan nating c RaheemErick,

darating din ang umaga..


alex1973


Arresto Menor

Very Happy never giving up is a start and will make our morning better.

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

huhuhuhuh naiiyak ako huhuhuhu..

kaka touch naman..  Smile

cge cge.. il kip that sa kokote ko:)

salamat sa mga advices Smile

@alex: mukang may pinag huhugutan din ah ?Smile tnx ha "P

@landowner: darating din ba ang umaga? ginawa mo ako si "ula" ah!! ang batang gubat!! hahaha dapt "ulo" hahaha

ghelmeyer


Arresto Menor

Ano ba yan? Akala ko naman kung sino kang magaling na magadvice, sadyang may pinaghuhugutan at pinagdadaanan din pala. Nakaklungkot naman ang story mo friendship. Ganun pa man hindi yan ibibgay sayo ni Lord kung walang dahilan.

Gawin mo lang ang dapat mong gawin hanggat kaya mo pa at habang nabubuhay kapa dahil habang may buhay may pagasa. Hindi natin masisisi si Misis na maging matigas ang puso at mukha despit ng mga HIRAP na pinagdaanan niya sayo. Yes, hindi mo rin sila masisisi kung bakit lahat ng connections sayo e gusto putulin.

Hindi muna muli maibabalik ang panahon 2000 kung saan kayo ay inlove pa isa't isa.

For your kids, kung nagawa muna lahat at wala pa din nangyayari hindi ako naniniwala, tyak na meron kpang hindi ngagawa kaya wala pang nangyayari at kung tatanungin moko, Sorry hindi ko din alam kung ano yun. Pero gaya ng sabi ko sayo habang may buhay, may pagasa...
Alam ko nangungulila ka sa mga anak mo, pero hindi pa nmn huli ang lahat pra bumawi ka sknla. Right Time. Time. It has been said, 'time heals all wounds. Darating ang time na makakapogmove on din si misis, darating ang time na hahanapin at hahanpin k ng mga anak mo. At kapag dumting ang time na yun, iparamdam at ipakita mo sa kanila na araw araw ng buhay mo hindi mo sila kinalimutan.

At kapag hindi muna tlga matiis, i'll suggest to move in the next step. Which is yung magfile k na ng process as per sa rights mo sa mga bata.

i'm hoping na sana maging maayus ka lagi and never give up! Smile

Ajah! Very Happy

LandOwner12


Reclusion Perpetua

kuha mo idol,,,
ikaw kasi eh,,,
take it from the expert,,
presenting .ghelmeyer


good day..

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

hahahaha!!!

what a tips, advice, ideas and option to make by the "great ghelmeyer"


wwooohh!!


may bago na ako idol hahaha..

well tnx ng madami sa coments..

clap clap clap:)

ok ok cge il kip your words and advice. morematz:)
idol ghel:)

ghelmeyer


Arresto Menor

Kayo mga idol ko... Wala ako alam sa LAW kaya wala ako maissugest or advice sayo about LAW.. Ramdam kita kasi tol, hahaha.

Anyway, kayong dalawa ipagpatuloy niyo maganda adhikain niyo sa buhay. Lalo na ang pagtulong at pagbibigay advice sa mga taong nangangailangan neto.

Thank you!!!

Mabuhay!!!

cire212215

cire212215
Prision Correccional

apir tau ghelmeyer. oo nga po dun sa 2 super tyaga sumagot.. keep it up! continue to be a blessing to others raheemerick and landowner12

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum