Namayapa po ang aming ama last 2005. Sa ngayon po, hindi po namin alam kung paano ang dapat na hatian sa naiwang bahay sapagkat sa lola ko pa po nakapangalan ang bahay na ito (2 lang po ang anak ng lola ko. daddy ko at tito ko).. Ang daddy ko po ay may anak sa una niyang asawa, 3 sa mama ko (ako at mga kapatid ko). wala rin pong naiwang will ang daddy ko.
Background
Ikinasal po ang daddy ko at ang una niyang asawa noong October 1969 at "nagkaroon" ng isang anak ngunit tumagal lang po sila ng 3 years sapagkat sumama sa iba ang babae. Noong 1987, ikinasal po ang daddy ko sa mama ko. Nalaman na lang po ng mama ko na ikinasal na pala ang daddy ko sa una noong ipinagbubuntis po ako(1989).
Ayon po sa lolo't lola,sa tito, at sa daddy ko po, mula po ng naghiwalay ang daddy ko at una niyang asawa noong 1972 hanggang sa mamatay ang daddy ko ay wala silang naging communication. Tsaka ayon po sa kwento ng daddy ko, hindi niya po alam kung talagang anak niya po yung ate ko sapagkat noong ikinasal sila noon ay buntis na po yung babae.
Sa ngayon po, yung unang asawa ng daddy ko ay may mga anak sa ibang lalake na halos kasunod lang ng edad ng ate ko. Maliban pa doon, nakalagay pa sa birth certificate ng mga anak niya na kasal siya sa mga tatay nung mga bata (february 1969). Ngunit nung vinerify nami nsa NSO, wala namang kasal ang nangyari.
Ang tanong ko po, paano po ang magiging basehan ng hatian dahil hinahabol po ng una niyang asawa yung share ng daddy ko kung saan kami'y naninirahan magmula ng maging mag-asawa ang mama at daddy ko (1987).
Tanong ko lang din po kung valid yung ginawang will ng tito ko na yung share po ng daddy ko ay mapupunta sa aming mga anak sapagkat hindi po nakagawa ng will ang daddy ko.
PS.
Sana po matugunan nyo ang aming katanungan kasi sa ngayon po magulo ang pamilya namin dahil nagkakaisa ang ate ko at nanay niya.