nagtatrabaho po ako sa company na subcontractor,4 years na po ako sa company na yun bilang Production Worker..after po ng holy week hindi na po binigyan ng pasok ang mga luma o matatagal ng nagtatrabaho dun kahit po araw araw may pasok.tinext po namin ang HR kung may pasok kami,ang reply po ay 'Priority nila ang mga bago. Yun lang po kasi ang pagkakataon na nangyari iyon sa tagal ko sa kumpanya.
Kami po na mga lumang empleyado ay kinausap ng personal ang HR, at sinabi po nya mismo na tatanggalin ang mga empleyado na 2years pataas. Every year po kami pumipirma ng kontrata. dumulog na po kami sa Sena at pinababalik po kami sa trabaho.
itatanong ko lang po kung pwede po ba kami maging regular na empleyado kahit per project ang trabaho namin?ano po ang mga Benepisyo?
*Sa Dole pa lang po nila babayaran ang mga holidays namin ng nagdaang tatlong taon.
Sana po ay may matulungan nyo po ako. Godbless!