Hi po sa inyo maam. May tanong lang po ako regarding for being a employee in a private sector of company.
Tungkol po ito sa pagiging probationary employee ko po sa company. I was hired po in the company on September 16, 2014 and sa pagka hired ko po ay deretso po ako as probationary as stated po in my contract for 6 months. Sabi po nang HR Manager sakin nong na hire nila ako is starting monthly salary ko po ay 12K din after 6 months if i pass the probationary and maging regular employee na ako is magiging 13K na ang monthly salary ko if maging regular employee na ako. Ngayon po ang nangyari is lampas na po ako nang 6 months and din alam ko po na kapag lumampas ka nang 6 months contract sa pagiging probationary is automatic na po ako non na regular employee na. Ngayon po ang company po namin is quarterly po silang my appraisal sa mga empleyado and yong ibang mga employee sa other department may increase salary na. Ang sa akin po is yong sa 6 months contract ko po na as probationary is wala pong naganap na appraisal or evaluation status sa pagiging probationary ko. Para bang nakalimotan po nila ako. Umabot na nag 8 months is nagreklamo po ako sa head ko kasi wala paring evaluation sa akin and ginawan naman agad nang action ini-evaluate agad ako at pasado ako sa evaluation appraisal at kinong-gratulate po ako nang head manager namin na "Congrats and Welcome to the family". Akala ko po may kasunod na formal letter of contract na magsasabing regular Employee na ako at syempre po nag expect din po ako nang salary adjustment ko po as regular... lumampas na naman po nang ilang buwan is wala parin akong contract na pinirmahan as regularization ko. Bali ini-acknowledge po nila ako na regular through verbal lang po at walang signing contract as regular. Ngayon po is 11 months na po ako ngayon sa company at pinaabot ko na sa HR ang concern ko. Ang sabi nila sa akin is nakalimotan na naman daw and akala nila is may contract na akong pinirmahan sa kanila at nang e check nila sa 201 file ko is wala pa pala so sabi nang HR sakin gagawan na daw nila ako kaagad nang contract of apointment as for regularization ko. Kahapon lang po August 17, 2015 is tinawag ako sa isang HR Staff at pinapaperma nya ako sa contract ko for being a Regular Employee effective on March 17, 2015. Nang binasa ko po yong Contract is wala pong nabago. What i mean po is yong contract na pinapapirmahan nila sakin is walang naiba, pareho lang sya sa unang contract ko na pinirmahan nong ini-hired nila ako as PROBATIONARY. Bali ang naiba lang po sa pinapapirmahan nila sakin na contract is yong word po na "Probationary", is pinalitan lang nang word na " REGULAR EMPLOYEE", at yong date stated nila na effective on March 17, 2015 pero yong monthly salary ko po is ganon parin at walang nabago... So, ang ginawa ko po is hindi po ako pomirma kasi walang salary adjustment as for regularization ko.
Ngayon po ang gusto ko pong malaman is tama po ba yong ginawa ko na hindi permahan yong contract ko na pinapapirmahan nila sakin? Ang sabi po nang HR sakin na kapag hindi ko po daw permahan yon is pwede daw nila akong tanggalin sa trabaho anytime kasi wala daw akong contract na pinirmahan at lumampas na daw ako sa 6 months ko.
2.) Gusto ko pong malaman na kapag mula sa pagka probationary at maging regular employee ka is dapat po bang may salary increase ka sa pagiging REGULAR mo na sa company?
3.) Kung may salary increase po tapos 5 months ang lampas mula sa pagiging 6 months probationary is may sasahurin po ba ako don na increase sa 5 months ko na lampas?
Yon lamang po ang mga tanong ko. sana po ay mabigyang linaw po ninyo ako sa aking mga katanungan.