My parents been together for more than 20yrs or so, my father separated and married another woman in the province. Lately lang namin nalaman na hindi pala sila kasal ng nanay (back 10 yrs ago or so), pero lahat ng papeles ng nanay ko ay gamit na ang surname ng tatay ko. Nagsama po sila simula 1967 pa at nagkahiwalay ng 1995. Naguguluhan po kasi ako, gusto ko pong kunan ng passport ang nanay ko, ang mga valid IDs po nya - senior citizen, postal ID eh puro po nasa apelyido ng tatay ko, wala naman po kami maiproduce na marriage contract/license from NSO. Wala po bang magiging problema din sa aming magkakapatid na sa birth certificate namin ay nakapirma sila pero di naman pala kasal. Ikukuha ko po sya ng NBI pero ilalagay ko po ba single? Ano ano po ba ang mga legalities ang involved. Kami po ba ang original o yung pinakasalan? Salamat po ng marami at sana may magkainteres na sagutin. Ako po ay talagang naguguluhan.