Ang aming pagsasama ay maayos naman pero hindi perpekto may mga pag aaway at di pagkakaintindihan. Nagbunga ang aming pagmamahalan ng 1 Babae at 1 lalake. Kami ay naninirahan na ngayon dito sa California. Pagkatapos ko pong magretiro sa U.S. Military. Hindi na nya ako tinantanang awayin Mula sa unang araw ng aking pagreretiro. Kahit sa isang tasang pinagkapehan nya sa umaga paghindi ito nahugasan pag uwi nya aasahan mong aawayin na naman nya ako. Di po nagtagal umalis sya at kumuha ng tirahan kasama ang isang anak at gusto nyang magdivorce (Through Mediation) na kami. Di po kasi ako pumayag sa mga hinihingi nyang buwanang Pera para sustento nya at sa bata. Bago po magpasko na virus ang laptop nya at nakiusap ayusin ko. Habang nililinis ang mga files sa laptop may nakita akong sulat na ginawa para sa Tatay nya noong 2011 pa. Sinabi nya sa tatay nya na nais nya itong ipetisyon para dito na rin manirahan pero may isa daw syang problema, kasi raw ung divorce nila ng una nyang asawa ay di recognized ng korte sa Pilipinas. Hanggang ngaun daw ay kasal pa rin sya sa hapon ayon sa Batas ng Pilipinas at uuwi sya dapat noong 2012 para ayusin.
Hindi ko po masyadong naiintindihan ang ibig nyang hindi recognized ang divorce nila kaya nag hanap po ako ng mga kasagutan sa internet. Akin pong napag alaman na Void in the beginning ang kasal namin.
Saan po ba ako magfifile ng petisyon for nullity of marriage (bigamous) ? Dito po ba sa California o sa Pilipinas. Iniisip ko kasi dito sa U.S. allowed ang divorce baka wala pong mangyayari sa petisyon for nullity of marriage dito? Nabasa ko rin sa Family Code of the Philippines na kahit saan ka parte ng mundo hanggat Philippine Citizen ka ikaw ay sakop ng mga alituntunin at batas ng Pilipinas. Maari po ba ninyo akong gabayan sa dapat kong gawin para makawala po ako sa Marriage Contract na ito at maituwid at malinis ang aking pangalan kahit man lang sa papel na lang. Patuloy pa rin ang maangas nyang pag uugali at panlalait sa akin dahil di pa ako nakakahanap ng trabaho gawa ng kapansanan ko sa serbisyo.
Salamat po sa anumang maipapayo ninyo. Malaking salamat una sa pagbasa sa aking sulat.
Nais ko rin malaman kung ang mga empleyado ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo, Japan ay may sapat na kaalaman sa Batas Pang Pamilya ng Pilipinas. Maaring hindi lang ako ang biktima ng mga empleyadong walang tiyagang mag screen ng mga papeles at dokumento na naipapasa sa kanila kung tama ba ito ayon sa batas.
Salamat po uli.
Ogler Otter