Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

problema sa hatian ng lupa sa pagitan ng magpinsan

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

etcesar108


Arresto Menor

nong araw po taon 1964 nabili po ang dalawang loteng magkatabi na may sukat na 182.5 sqaure meter pareho na nagkakahalaga P13,500. ang pera ng aking ama ay P11,000 at ang pera ng aking lola ay P2,500. habang pinapagawa ang bahay nawalan ng trabho ang aking ama na nag a abroad. ang aking tita na kasalukuyang nagtatrabaho bilang sekretarya at myembro ng SSS ay kinausap ang aking ama na mag loan sa SSS at gagamin ang aking ama bilang garantor para mapagpatuloy ang pagpapagawa sa bahay. upang maka loan sa SSS ang aking tita kelangan mailagay sa titulo ang kanyang pangalan kaya sa dalawang titulo ng lote nakalagay pareho ang pangalan ng aking ama at tita bilang may ari. nakapagtrabaho ulit ang aking ama sa abroad at nagpadala ng pera panghulog ng utang sa SSS. lumipas ang mga taon at natapos ang bahay nakalimutan na ibalik sa pangalan ng aking ama ang titulo. nung matatanda na sila sinubukan kausapin ng aking ama ang tita ko na bawiin at ilagay ang titulo sa pangalan namin tatlong (3) magkakapatid at sa isang (1) anak ng tita ko. (ang gusto sana ng ama ko na hatiin ng pantay sa apat and dalawang lote at paghatian naming magkakakapatid at pinsan). ayaw na pumayag ng tita ko inangkin na ang isa sa dalawang lote na nabili ng aking ama. ngayon po patay na ang aking ama at tita.

kaming tatlo (3) magkakapatid at (1) pinsan na lang. gusto na ibinebenta ng pinsan ko ang lupa. ang gusto nya mang yari yung isang lote mapupunta lang sa kanya at ang isang lote paghahatian namin tatlo (3) magkakapatid.

ang tanong ko po pwede po ba namin ipaglaban ang lupa na alam naman ng mga kamaganak namin at mga kapitbahay na ang tatay ko ang bumili at nag patayo ng bahay?

dahil ginamit lang ang pangalan ng tita ko na single parent para makapagloan sa SSS at wala siya kapasidad makabili ng lupa at magpagpatayo ng bahay dito sa mandaluyong nuon dahil sekretarya lang siya sa maliit na opisina at di sapat ang sweldo. samantala ang aking ama ay binata pa nuon at nasa ibang bansa nagtatrabaho at kumikita ng sapat para makabili at makapagpatayo ng bahay.

LandOwner12


Reclusion Perpetua

as per your statements,
ang CTC eh nakapangalan sa Tita at tatay mo..

cino unang namatay?
wala bang last will ang kahit cino?
noon pa mang parehong buhay ang ama at tita mo, meron nang di pagkakaunawaan..
so.
doon pa lang merong nang dapat iresolve, inangkin na kamo ng tita mo ang isa, wala namang nagawa ang ama mo, at clang 2 lang ang makapagpapatunay na shared cla or hindi sa pagbili ng property..
so si pinsan, bilang heir ni tita, kanya yong 1, at kayo bilang heir ng tatay nyo, eh paghahatian ang 1 pa..

etcesar108


Arresto Menor

salamat po sa  reply..

tama po sa tita at tatay ko naka pangalang. sa isang titulo pangalan po nilang dalawa.

una po namatay tita ko halos 4 na taon na nakalipas.
kamamatay lang po ng tatay ko ngayong marso.
wala po last will.

hindi po sila nagkasundo sa gusto mangyari ng papa ko na ang dalawang titulo ay ilagay sa pangalan namin magkakapatid at pinsan ng pantay ang hatian. inangkin na po ng tita ko at hangang ngayon pinangatawanan na ng naiwan nya na pinsan namin na angkinin ant isang titulo.

wala po bang paraan para makuha namin ang nararapat. pakiramdam po kasi namin sobra kaming naargabyado sa pag angkin nya ng 1 at ang 1 paghahatian pa namain magkakapatid. alam naman po ng mga kaanak nat kapitbahay namin na ang ama ko ang nakabili at nagpatayo ng bahay?

gusto na po kasi ibenta ng pinsan ko ang isang tiltulo na nakapangalan sa tita at ama namin. balak po namin magkakapatid na di pumirma.

LandOwner12


Reclusion Perpetua

walang masyadong malinaw pagdating sa hatian ng property ng magkapatid,
my interpretation is that,
for now walang legally makakapagpatunay or pasubali sa amount ng share ng bawat isa sa parehong titulo, na nakapangalan sa both.
upon the death of ur tita, its right na mapunta sa kanyang anak ang kahalati at kalahati sa papa mo..
or pwede tig isa kung with same real value or importance..
then sa pagpanaw ng papa mo, hati kayong 3 sa share nya,

parang unfair, pero dapat sana, habang buhay pa pareho eh inayos na,


ganito, review mo civil code simula article 960, u can get some guidance there..

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum