Hi Attorney!
Gusto ko pong itanong sa inyo ang lahat tungkol sa INHERITANCE at Rights naming mga apo sa lupang pag-aari ng LOLO at LOLA ko.
My lolo(father side)died a couple of years ago tapos my will na siya sa lahat niyang 7 na ANAK(including my FATHER) ang magmamana sa LUPA na pag aari nya.
My Lola still has all the TITLEs, WILLs and other legal documents of the PROPERTY cuz she's malakas pa naman.
Ang Tatay ko died 12 years ago, so everytime nagtitipon-tipon mga UNCLES at AUNTIE ko ay pinapatawag nila yung PANGANAY naming kapatid na lalaki para pag-uusapan ang tungkol sa LUPA na mamanahin nila at ng TATAY ko. Since wala na ang TATAY ko, so sa aming 8 na magkakapatid at nanay namin ang magmamana ng MAMANAHIN ng TATAY ko.
Ngayon po, Sa daming beses napo nag titipon mga TITO at AUNTIE ko pati narin yung panganay naming kapatid na LALAKI, para pag-usapan kung saan ang lupa nilang gustong aangkinin, nakapagpili napo sila ng gusto nilang angkinin na lupa at ang mga tira2x na lupa nalang yung mapupunta sa aming magkakapatid na minana ng TATAY ko.
Lahat po ng piniling lupain na inangkin ng TITO at AUNTIE ko, lahat po pinili nila ay may mga legal na documento like LAND TITLES. Tapos yung natirang lupa na para sa TATAY ko, may 10 Hectares na LUPA na walang TITLE, so hindi nila pinili at inangkin dahil cguro hindi nila gusto mahirapan sa mahabang pagproseso sa pagkuha ng legal na documents para sa lupain nito kaya napunta nalang eto sa TATAY ko na yumao na. Ang lupa lang na minana ng TATAY ko ay yung lupa namin na may sukat na 15 Hectares.
So recently lang po, ang companyang APO Cement Corporation ay nagka interes na bilhin yung LUPAIN namin na 15-hecatares na may TITLE. Pero, nung nagkasakit yung LOLO ko at before siya namatay, isinanla ng LOLA ko ang TITLE ng LUPAIN na yun sa halagang 10,000 pesos para ipagamot ang LOLO ko.
So ngayon, pinatawag ng mga TITO ko ang panganay naming kapatid na LALAKI para pag-usapan ang lupain na pinagkakainteresang bilhin ng company ng APO CEMENT. Ngayon po, gusto nilang tubosin yung LAND TITLE na isinanla ng LOLA ko dahil nabalitaan din nila na GUSTO itong bilhin ng isang malaking companya.
Hindi pa po sumang-ayon yung kapatid ko naa tubosin nila yung TITLE gamit ng pera nila ng mga TITO ko. Nakatira kami sa City while yung mga tito ko sa probensya at malapit lang kung saan nakatira yung LOLA ko.
Hindi ko po alam kung anong mangyayari dahil malayo ang tinitirhan naming mga kapatid sa LOLA ko. I dont know if hindi talaga nila tinubos or tinubos na nila ang TITLE na isinanla cuz malapit din sila ng LOLA ko.
Ngayon po ito po ang aking mga katanungan:
1.) Since alam ng mga TITO ko na pinagkakainteresan bilhin ng company ang LUPAIN namin at ganun nga na gusto nilang tubosin ang TITLE gamit ang pera nila, posible bang ipagpalit nila yung lupa nilang inangkin sa lupa namin na pinagkakaintersang bilhin ng kompanya??? May posibleng gulo ba eto?
2.) Hindi po kami close sa panganay naming kapatid na LALAKI tapos siya pong parating pinatawag para pag usapan ang tungkol sa LUPAIN namin kahit na MATANDA na kaming lahat at may kanya-kanyang hanapbuhay. Mas AUTHORIZED ba yung kapatid ko sa lupa na MAMANAHIN namin lahat na magkakapatid? Wala pong trabaho ang panganany naming kapatid na LALAKI at isang tambay lamang, posible bang magagawa nya lahat anong gusto nyang gawin sa aming lupain na hindi namin nalalaman????
3:) Ano ano pong mga karapatan at kaya naming gawin naming ibang magkapatid para pigilan ang posibleng gulo na maidudulot nito?????
Salamat po sa ibinahagi ninyong TIME and EFFORT para basahin ang aking mga tanong at pagbigay ng mga MAHULOGANG SAGOT neto.
GOD BLESS po ATTORNEY and MORE POWER!