Gusto ko lang po malaman ang ilang bagay tungkol sa scenario po ng kwentong ito.
Lolo A and Lola B got married in 1930’s at nagkaron po sila ng 4 na anak, and in 1950’s namatay si Lola B.
Nag-asawa muli si Lolo A kay Lola C at hindi po sigurado kung kasal po sila; wala pong anak si Lola C. Hanggang sa my inampon daw po sila, tawagin natin syang “Girl”, sya ay pamangkin ni Lola C, hindi rin po sigurado kung my adoption papers sya.
Namatay si Lola C late 1990 at si Lolo A naman ay 2004.
Sinu-sino po ang magmamana ng properties at paano ang sharing ng properties acquired ni Lola C, assuming:
1) Hindi kasal si Lolo A at Lola C
2) Kasal si Lolo A at Lola C
3) legally adopted si Girl
4) not legally adopted si Girl
Note: may Deed of Sale po akong nakita na property acquired by Lola C with marital consent of Lolo A.
Sana po ay matulungan nyo ako. Salamat po.