Ask ko lang, patay na kasi ang lola ko nung 2008 pa. After nun nagkagulo na ang pamilya sa mana na naiwan ng lola ko. Ask ko lang kung sinu ba tlga ang dapat na magmana ng naiwan nya kung ganito ang nakalagay sa mga papeles na naiwan ng lola ko:
Nagkaroon xa ng iba't ibang boyfriend nung kabataan nya at nagkaroon xa ng 7 anak, lahat ng yon di sila kasal. Nagkaroon ulit xa ng bago, si Felix, at nagkaroon sila ng anak na si Richard (ang tatay ko). Pinanganak si Richard nung May 7, 1965 pero kinasal lamang ang lola ko at si Felix nung September 6, 1971.
Bago pa man ikasal ang lola ko at si Felix ay mayroong pagmamay-ari ang lola ko na 2 lupa:
Lot 1 dead of aboslute sale of realty dated October 22, 1969 named to my lola wherein she indicated that she is widowed
Lot 2 dead of aboslute sale of realty dated March 14, 1966 named to my lola wherein she indicated that she is widowed
Sinu po kaya ang dapat na magmana ng mga lupa?