Good day!
Need ko po ng advice about sa kasong sinampa ko sa mga employees ng isang department store.
Last January 2, 2015 po iniwan ko po sa baggage counter ang payong at bag ko para mamili sa dept store na yun. Pagkatapo kung mamili kinuha ko na po ang bag ko sa counter, kaso po yung payong lang po ang binigay kasi nawala daw ang bag ko. Aabot po ng mahigit 18,000 ang laban ng bag ko kasi meron po yung discount card na aabot ng P16,000. Base po daw sa cctv records nila nahulog daw ang bag ko from the cubilcle na pinaglagyan nito at nung my nag claim na sa mga gamit na nahulugan napasama po dun ang bag ko at sabi po daw kasi ng old lady na nag claim sa kanya daw po yung bag. Ayaw po nilang magbayad sa halaga ng mga gamit at ng bag ko na nawala sa baggage counter nila kasi meron daw po silang notice noon na nakapost na 200 pesos lang daw ang ibabayad nila sa kahit anong gamit na mawawala sa baggage counter nila. Umabot napo kami sa barangay pero inabot napo ng 4 hearings hindi pa po ako binigyan ng certificate to file actions. Kaya pumunta po ako ng DILG para magpatulong kaya lang sabi ng DILG wala pong jurisdiction ang baranggay sa kaso ko kasi hindi po ako resedente sa lugar nba yun, pwede daw po ako mag file ng theft, yan din po ang sinabi ng PAO. Kaya nag file po ako ng theft pero isinama ko po sa case ang may ari ng dept store at 3 supervisors at 2 baggage counter attendant. Isinama ko po sila kasi sila po ang nakakausap ko pag nag follow-up ako sa kaso ko, ilang ulit napo kc nila ako pinapa balik balik. This March 17, 2015 po ang hearing namin sa fiscal. Nag Joint counter affidavit po sila at ginigiit nila na mistakenly naibigay lang po daw ang bag ko sa old lady and they file a case laban sa akin in due time kasi perjurious daw ang sinabi ko sa affidavit ko. Paano po naging perjurious eh totoo naman po ang mga sinabi ko, sila pa nga ang sinungaling kasi sabi nila hindi po ako sumipot sa 3rd hearing namin sa baranggay, e umabot na nga ng 4 hearing eh kaya nga pumunta na ak sa DILG kasi feeling ko pabor sa kanila ang lupon. Sabi po ng fiscal mahina daw ang kaso ko, hindi daw nya makita ang elements of theft.
Ano po gagawin ko sa kaso ko, Tama po bang sabihin ko na ninakaw ang bag ko sa harapan nila at sila ay pwedeng accessories of theft?
Makakasohan po ba nila ako ng perjury?
May laban po ba ang kasong sinampa ko sa kanila na Theft?
Ano po pwede e advice nyo po sa kaso ko..? Sana matulongan nyo po ako sa pamamagitan ng advice nyo po, hindi na po ako nakakatulog ng maayos..
Salamat po and god bless.