May ikukunsulta po sana ko sa inyo, meron po kasi akong naging problema sa Kagawad ng Brgy namin. Matagal na po kc siyang ininireklamo ng mga bantay bayan sa Makati, nung nakaraan po gumawa na naman siya ng hindi maganda yong ni rescue nila na naaksidente sa motor kinuha pa yong wallet, cellphone, at pera. Ang nakapag kuwento sakin non eh ung kasamahan ng asawa ko sa Bantay bayan dahil sila ang duty nung gabi. Sa sobrang galit ko kasi nga wala ng ginawa yong kagawad na yon kundi gumawa ng kabulastugan. Isinumbong ko po sa kapitan namin, pero wala po akong binangit na pangalan ng mga bantay bayan na sakop niya kasi po wala naman talaga sila alam na gagawin kong pagsusumbong sa kapitan. Pinatawag po niya yong aswa ko, pero sinabi ko sa kapitan na hindi talaga alam ng asawa ko ung tungkol dun dahil hindi ko po sinabi. Ngayon po hinahamon ako ng kagawad, pag di daw po ako humarap sa kanya idedemanda nya po ako.
Ano po ba yung dapat kong gawin? Please help me po