I really need your advice regarding my situation. I'm Married and have 2 kids po (2 1/2 yrs old and 1 yr old). Ung husband ko po since nun kinasal kame hinde na siya naghanap ng work niya. Ayaw niya daw pala kase kame magpakasal. Kinasal lang kame dahil buntis ako nun at parehas kameng ayaw talaga magpakasal. Akala ko magbabago siya pag kinasal kame pero wala siyang ibang ginawa kundi mag inom tapos uuwi na nang umaga.Hinde rin siya gumagawa ng effort para maghanap ng work. Gusto ko na po siya hiwalayan. Sinaktan na din po niya ako. Hinde po ako humingi ng tulong dahil natatakot ako at kase ayoko din kaawaan ako pag nakita ako sa ganun sitwasyon. Gusto ko sana magfile ng annulment kaso hinde pala grounds ang physical and emotional abuse.
Sa ngayon gusto ko po magfile ng Brgy protection order at Permanent protection order dahil ayoko nang maulit ung pananakit niya. Natra-trauma na din ung panganay ko kase since 1yr old pa lang siya eh na-witness niya lahat ng away, pagwawala at pananakit niya. Last month nga nagbanta pa siya na sasaktan daw niya ung anak ko at ayoko na umabot sa sitwasyon na yun. Ako lang po ung bumubuhay sa anak ko at ayoko din may mangyari sa akin dahil nag-aalala ako sa mga bata. Gusto ko po magpakalayo at magtago na sa kanya kaya gusto ko po kumuha ng BPO o PPO. Tingin ko po sobrang alcoholic na din po siya kaya iba na din ugali niya. Ung magulang ko po nasa province at hinde rin naman nila ako tinulungan nun nalaman nila ung nangyari sa akin. Decided na po ako na iwanan ung asawa ko. Gusto ko kumuha ng BPO o PPO para hinde na niya kame guluhin ng mga bata at hinde rin siya manakit. Nagbanta kase siya na kukunin niya ung isa kong anak.
Anu po ba ang maganda kong gawin? Kailangan po ba ng medico legal pag nagfile ng BPO o PPO? hinde po kase ako nakapagpamedical nun sinaktan niya ako last june1. ung pictures po binura niya at ung CP ko naman po ay nawala kaya wala po akong evidence. Sabe kase ng taga -PAO need daw nun. I really need your advice kase wala talaga ako ibang mahingan ng tulong at makausap. Salamat.