May lupa po kami sa QC na pinatirahan po namin sa kapatid ng tatay ko and family niya since 1990 for a consideration of PHP500,000.
Ngayon po patay na yung kapatid ng tatay ko (since 2012) and yung asawa niya na tita ko ay ilang weeks nalang din ang itatagal dahil sa cancer.
Ngayon yung panganay na anak nila na pinsan ko ay inaangkin yung buong property while ang dapat ay hati hati silang magkakapatid dahil walang last will.
Gusto sana namin bawiin yung lupa at ibalik yung 500k nila pero sabi ng pinsan ko masyado na daw silang matagal na nakatira sa lupa namin kaya nagprescribe n daw yung right namin na bawiin yung lupa.
Gusto ko sana malaman kung totoo ba na napunta sa kanila yung lupa. If possible, please give reference kung anong part ng batas ang nakakasakop sa case namin para mabasa din namin yung batas. THANKS
p.s. hawak nung panganay yung papeles ng lupa na nakapangalan parin sa tatay ko.