Hinge lang po ng advice para po ma transfer yong rights sa name ko. Ito po ay relocation na bahay,tapos po nabili namin ng 70,000 pesos. Nagpa notary lang po kami for deed of sale at binigay po sa amin yong ENTRY PASS ng nagbinta.,yon po ung ginagamit para makapasok at makatira ka sa bahay na galing sa NHA. Ako na po ang nagbabayad ng monthly sa NHA,pero nakapangalan pa rin sa may ari yong bahay. Sa lahat po ng nakatira dito ay di pa binigay yong titolo ng lupa. Gusto ko lang po sana na malipat yong rights sa akin.
Ang tanong ko po,ano po ba dapat kung gawin para malipat ang rights sa akin?
Paano po pag pinatawag ako sa NHA,ano po ang sasabihin ko?
Mali po ba ang proseso sa pagbili at
pwede po ba kaming paalisin ng NHA?
Sana po matulungan mo ako sa problema ko at maraming salamat po,god bless.........