During our General Meeting Feb 2015 may pinakakalat po na neighbors consent sa aming mga HOA members na "Neighbors Consent" para daw po sa pagtatayo ng infrastructure hndi po nka specify kung ano iyung itatayo. ipinamimigay po yun kahit hindi pa po na pag-uusapan. nalaman po namin na may board resolution na po para sa proposed construction ng 30 M Monopole Tower sa Utility area last aug 2014 pa. May permiso na rin po ang Board mula sa Kapitan prior pa po ng meeting last Jan 2015. 5 days after ng Gen Meeting namin dun pa lang po nag request ang President ng HOA namin sa DOH para daw po sagutin mga katanungan namin tungkol sa usaping pangkalusugan. Ang mga katanungan ko po ay ang mga susmusunod:
1. wala na po ba kaming magagawa bilang mga homeowners para tutulan ang nasabing construction plan, dahil sinasabi po yun ng ng mga officers dahil parehas ayala owned ang globe at amaia at since yung pagtatayuan daw po ng cell tower ay within sa perimeter ng water tank na hindi po kasama sa for turn over?
2. wala daw po conflict of interest dahil hindi daw pumirma iyung dalawang members ng board na emepleyado po ng globe.
3. wala po bang breech of contract or misleading sa part ng developer, dahil hindi po yun kasama sa contract namin ang cell tower sa amenities at facilities?
4.may grupo na po na nag ikot para po sa pagpapapirma sa mga against sa construction ng cell tower, ok po ba na pumirma din ako doon kahit na po naka pirma ko doon sa sinasabing neighbors consent? paano po namin marerevoke yung pirma namin dun sa neighbors consent since nung pinapirma kami doon walang proper explanation?
4.dalawa po ang posibleng pagtayuan ng cell tower, yung mga homeowners po na malapit sa tanke sa pavilion ay mga pumirma na, pero dun po sa isang tangke na malapit sa amin ay wala pa po mga bahay dahil ongoing pa lng po construction. Ano po yung pwede ko na gawing hakbang?
5. Ano po dapat namin gawin sa mga officers namin? Ano-ano po yung mga karapatan namin na nilabag nila?
5. tama po ba na kasama ang developer sa pagboto ng officers namin? Hndi pa po lahat ng unit ay na turn over na. Tatlo po sa mga officers namin ay mga nagtatrabaho sa ayala owned companies, ang president, treasurer at auditor. kaya po sila nanalo ay dahil binoto po sila or ini-appoint ng developer.