nais ko lamang idulog sa inyo bilang legal na asawa paano ko po makukuha ang karapatan ko para sa anak at asawa ko, may nakalive in po kasi yung asawa ko noon at nagroon sila ng anak , ngayon po nagfile yung babae ng child support at ang hinihinging halaga ay lampas sa halagang 5000 kada buwan.
ang asawa ko po ay contractual lamang ang trabaho at sumusweldo ng minimum lamang,meron po kaming isang anak,bilang legal na asawa hindi ko po alam kung paano ipaglalaban ang karapatan ko upang maipaglaban din ang pangangailangan ng anak ko sapagkat sa totoo lang di po kasya samin ang kinikita ng asawa ko at sa ngayon wala pong trabaho ang aking asawa at dahil din sa kadahilanang nagugulo po ang babae sa kanyang trabaho dahilan ng kanyang pagkatanggal.
ang nais ko po sanang ipabatid kung paano po namin macocounteran ito.at maging patas ang sustentong hinihingi ng babae..
salamat po