Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

RA 9262, RIGHTS OF LEGAL WIFE AND FINANCIAL SUPPORT

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

khyssme4migo


Arresto Menor

Gusto ko lng po sangguni ang current na nangyayari sa akin dito sa Doha Qatar, kami po ng asawa ko ay parehas na nag trabaho dito. ito po ang initial na salaysay ko sa lahat ng threat at paghihirap na dinanas ko sa asawa ko po.

Ako po ay mag 10 years na OFW bilang secretary dito sa Doha Qatar, kinasal(civil) po kami ng asawa ko na si Archie Nov 17, 2010, ito po ay nagyari after ko manganak nun April 2010. Bago po kami kinasal alam ko na po at tinanggap ko na may anak sya babae (2 taon pagitan sa anak ko), kahit naman po sino babae at bago po ako nagpakasal sinigurado k muna na anak nya lng supportahan nya, at naka sigurado din po ako na single talaga sya bago kami kinasal kasi kumuha po kami ng Cenomar at pina red ribbon din po sa DFA. Maayos naman po lahat noon habang nag work ako sa Doha, sinuportahan ko po sya sa Pinas habang nagaantay sya ng papeles sa trabaho nya sa Abu Dhabi, dahil po d pa sya makaklipat agad ng Doha sa Abu Dhabi sya nag trabaho ng 2011, binibisita ko naman po sya sa UAE ng 5 beses sa Abu Dhabi kasi alam ko po ang buhay may asawa sa ibang bansa. Maayos po kami nun kahit naman po mas mataas ang kita ko noon , hindi k po sya pinabayaan at sinuportahan ko sya. Never din po nagging issue ang position sa trabaho kasi tinatrato ko po sya na “Padre de Pamilya” habang kami po ay nagtratrabaho ang anak po naming ay nasa nanay ko sa Phils. March 2012 ng nakuhanan ko sya ng trabaho sa Doha sa company ng boss ko, ngunit napansin ko ang pagbabago April 2012, kung saan dun ko natuklasan na nagka girlfriend sya sa Abu Dhabi. Nalaman ko lahat dahil sa pinagkalat ng babae sa Abu Dhabi ang kanilang relation, at nung panahon na po na un naghiwalay na sila. Kahit paano napatawad ko sya nun iniisip ko na parte ito ng buhay may asawa. Tapos nagkaroon kami ng pagaaway nung April or May 2012 kung saan nag bago treatment nya sa akin, napansin ko kasi na nanggagaling sa kanya na “napilitan lng sya ako pakasalan at dahil naawa sya sa akin sa takot ko sa sasabihin ng magulang ko”. 2013 ng unti unti nyang nilalantad na may relation pa sila ng ina ng unang anak nya (SOLINA ung babae po ay higit 10 yrs older sa asawa ko), Nagka incident po na Jan 6, 2013 na sabay dapat kami babalik ng Doha, nag rent a car po kami at sinabi nya na ibabalik na nya ung kotse, tinanong ko sya ano oras sya babalik kasi kailangan pa naming mag impake ng gamit kasi Jan 7 ng umaga ang flight naming pabalik ng Doha. Text message na lng po ang natanggap ko noon na “sa airport na lng kami magkita”. Nakiusap pa ako sa kanya na magpaalam sya ng ayos sa anak naming pero nanindigan sya na d sya babalik sa bahay namin kasi sa ugali ng nanay ko. Sa totoo lang po nakaka intimidate ang nanay ko mataas ang expectations but ako naman po ang nagtatanggol at sumasalo sa asawa ko, never naman po sya napagsalitaan ng masakit na bagay. Un po ang unang incident na sobrang sama sa loob ko. Nakita ko pa po sa facebook account nung Solina , na dun pumunta si ARCHIE  nag post pa po ung babae sa facebook na you would think na may nangyari pa sa kanila. Mula po noon nakiramdam ako sa lahat, financially wala po binibigay ang asawa ko para sa anak naming, una rason nya ung sahod na QR 3000 ay kulang pa kasi susuportahan nya ung Anak , Kapatid nya at Tatay nya sa pinas. Till tumaas sahod nya ng QR 5000 nag sabi ako sa kanya baka meron syang bgay para sa anak naming sagot nya , kakataas lng ng sahod nya. Mag bigay sya kalian lng may sobra pero di po un buwan buwan minsan 1 time sa isang taon. Ang ugali po kasi ng asawa ko ayaw nya ng usapan pag nag start ako nag open sa kanya ng problema sya pa sisigaw, magagalit sya sa akin. Anu anong mura po ang matatanggap ko. There was this time na nasaktan nya ako ng physical d po ako tumawag ng pulis at nagpamedical kasi ayaw ko na madrag ang pangalan ko dito. Nagsasama po kami sa iisang bahay , at buhay may asawa kami dito, ang d ko maintindhan sa ngayn na ngayn sobrang lantaran mag post ung babae na daig pa sila ang legal na pamilya kahit ako naman po ang pinakasalan. Nakita ko ung post sa facebook, remittance copy, at ung bank account nya sa BPI Third Party (Authorized person) ung Solina sa account nya. Ni raise ko na po sa kanya ung implication ng pag post nila ng public sa facebook nakakababa ng moral ko at sa anak ko,may makakitang ibang tao daig pa ako ang kabit kahit ba Dumlao ang apelyido ko. Bukod tanging sa pamilya nya ung panganay na kapatid lng nya ang nahihiya sa ginagawa ng asawa ko. Ako po magisa sumusuporta sa education ng anak ko na nasa Grade 1 na . Alam kop o ung problema sa nanay ko but sa totoo d ko alam if ung galit nya sa nanay ko ay napapasa nya sa akin, wala naman pong katwiran un. Ito pa po ang points ko na gusto ko I-raise:
·         Kung ngayn pinalalabas nya na sila ang una pamilya bakit ako ang pinakasalan, sa dami ng panahon na pwede naman sya tumakbo bago kami ikasal if talagang ayaw nya.
·         Sasabihin nya mas Malaki ang kita ko sa kanya, but d bap o obligation nya kami ng anak nya din.
·         Sa 6 na taon ng anak ko never po sya umattend ng bday ng anak namin
·         Dahil sya ang sumusuporta sa tatay at pamilya nya pakiramdam ko na may ibang kwento syang sinabi sa pamilya nya kaya di nya kami gusto at una nila nakilala ung unang anak nya.
·         Bakit po mas malakas pa loob nila magpapaskil ng litrato nila na daig pa sila ang pamilya, wala na sila inisip na kahihiyan ko at anak ko, kasi nakikita ng mga kamaganak ko at kasamahan ko sa trabaho may pagkatao dn po ako pinangangalagaan.
·         Hindi kop o matanggap na all the while nawala na pagmamahal nya sa amin, samantala lahat naman po suporta na kailangan nya ginagawa ko naman po.
·         Pag nagkakabonus sya o sahod o extra income di naman po kami ang nakikinabang dun kundi ung Solina at anak nya.

Banibagong nangyari po ay nung binuksan nya ung facebook messanger ko at pinaghinalaan nya ako na may iba karelation, na patunayan ko na po ang sarili ko na di ako ganun klase babae but ginawa nya muna ako siraan sa opisina at sa bldg. kung saan kami nagtrabaho, nilulon ko ung pride ng kahihiyan mapagtanggol ko lang sarili ko, dahil sa selos nya lumipat sya ng bahay at sa araw na aalis sya pati personal na gamit ko (alahas, speaker at relos) kinuha nya . Mga bagay na napundar ko bago pa ako magpakasal. Wala ako choice kahit lumapit ako sa kapatid nya mabalik lng gamit ko if iiwan na niya kami , wala na natira pati gamit ko , pumunta ako sa pulis para lng mabalik. At nung natanong ako sabi ko balik lng gamit ko.

Para po sa kalinawagan, nag try po ako sangguni sa Phil Embassy Doha at ni refer nila ako sa DSWD department nila na paalis na dn po ng Doha, sa konting oras na paguusap namin sinabi nya na di daw po ako pwede sa RA 9262. Bakit po ganun pareho kami Filipino ng asawa ko, hamak na grabe paghihirap na po dinanas ko tulad nung Friday July 28, 2017 na kinausap ko asawa ko sa ano na plano sa amin ng anak ko, wala sya sinagot sabi lng nya mukha ako pera (kahit ala naman po ako nakuha sa kanya) at halos nasakal na po nya ako. Sa totoo takot ako mag hospital kasi pulis na naman ang pupuntahan ko tapos nun. Pinahinga ko sarili ko but ito po ang pinaka mahirap na sa iisang Company po kami napasok. Please po ako nakikiusap ng tulong mula sa inyo. OFW po ako d para saktan ng asawa ko kung di sa pagbuhay ko sa anak ko at tinalikuran kami ng asawa ko khit na tinaasan na sya ng sahod.

xtianjames


Reclusion Perpetua

una mong gawin is lumapit sa isang abogado at magpatulong magpagawa ng demand letter para sa supporta sa inyong mag ina since kasal kayo.

ipunin mo din lahat ng evidences mo against sa kanila since pwede mo to gamitin against sa kanila pag sasampahan mo na sila ng kaso.

sumbong mo na sa pulis yung asawa mo. wag kang habang buhay na maging biktima.

mc22ml


Arresto Menor

Hi good afternoon from Dubai. Legally married sa husband ko for 8 years last Jan 2017. Nasa Canada na po sya to work since January 2015.

Same year, nakita ko na may mga posts sa fb nang mga new friends nya which he never mentioned. I felt disturbed and ofcourse naghinala ako. he kept on saying na magkakaibigan lang sila. however, I knew my husband since 2000. And alam ko kung may kakaiba based on my instincts. It took me 2 years to finally got a proof na hindi lng sila friends. Last New year 2017, hindi manlng nya ako tinawagan or even my kids in the Philippines kung saan ung oras ng new year celebrations dun ay tanghali sa dubai and even in Philippines. after searching random people in fb; i saw a video na nakipagcelebrate ung asawa ko dun sa girl na pinagaawayan n nmin.

She is the same girl with those posts and even with my husbands for some occassions as per my husbands other friends na kasama nya sa bahay.. i have conversations with this frends and even dun sa girl.

It came to the point na i got his telephone bills stating all his incoming and outgoing calls even to whom he sent sms.. all numbers are from her and to her also for her daughter. So many calls from early morning till night and sms pa.. even when the girl was in the Philippines; my husband was calling her khit pa international call. where he never does to me here in Dubai.

We have couple incidents na tlgang nagaaway kami dahil d ko cya makausap by the time n alam kong nasa bahay n cya.. he doesnt even tell me where he is.. feeling ko wala akong asawa.

And after that new year incident; i came to know na ginagamit pala ng asawa ko ung sasakyan nung babae and hindi ko un alam.. all i know is he is commuting, walking through thick snow going to office and home. Even i ask the girl nicely to stop lending her car and stop seeing my husband since she is married and having her 4 kids with her sa canada.

My husband kept on telling that they r just friends and hindi niya babae ung girl. I even drafted a custodial agreement for my kids since hindi naman mya ako masyado natutulungan financially, dahil alam ko na maliit lng din sahod nya and may binabayaran cyang taxes dun. I tried to forgive wat happened and he even apologize for making me feel bad ang hurting my feeling.

He is finalizing our family permanent residency in canada. I honestly dont want to go bcoz of what happened.

We become ok and we r fighting sometimes for small issues dahil hindi ko prin makalimutan ung nangyari dahil para sa akin nabastos ako at mga anak ko. I admit i even say bad words dahil para sa akin dun ko lng mailalabas ang galit ko.. its very hard to communicate to him.

Yesterday, may nakita akong posts nnmn nung girl and they wer together with her family and some friends and again my husband is there.. that i never knew. He even promised me na hindi na sila nagkakausap or nagkikita after the incident.

I want my husband out of that country; pero ayoko na din cya makita ng mga anak ko.. i dont want to give them the happiness and luxury to laugh at me kung hahayaan ko lng sila..

Please advise me on what I can do.. dahil ung side ng asawa ko they dont even reach out to me and i dont feel they will inderstand me since even they knew na may issue kami they will be on the side of my husband. And i wanted to sue that bitch for sich posts and she even blocked me para hindi ko na sya masendan ng messages.

Thank you.

xtianjames


Reclusion Perpetua

may solid proof ka ba na may relation talaga yung asawa mo at yung babae? kasi as i understand from your story eh assumptions mo lang yung relationship nila. oo i understand na pangit yung trato sa inyo ng asawa mo, pero di enough na basehan to na may relationship sya sa iba.

isa pa, wala pong extradition para sa pangbababae kaya kahit makasuhan mo ang asawa mo, hanggat di sya umuuwi ng pinas ay walang mangyayari sa kanya.

khyssme4migo


Arresto Menor

Thank po Xtianjames sa advise...

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum