Hello po sa inyo... hingi po sana ako ng legal advice..
May nagpresinta po sa akin na kung gusto ko daw maging financer nya sa pautang. Gusto po nya makakomisyon ng 25% sa bawat interest na masisingil nya bilang ahente ko. Siya ang kakausap sa umutang at ang bahalang maningil sa kanila Ng 20% kada 13 days.ang tawag nya sa ganitong sistema ay "extra".
Dahil sa nakita ko naman ang sitwasyon ng buhay nila..pumayag ako na maging financer ni Ricardo dahil naisip ko na baka ninais nyang kumita para may ipakain sa pamilya nya.
Nagsimula ang pagfinance ko sa kanya noong aug.1,2014. Dahil nagtiwala ako sa Kanya, hindi ko na nagawang magkaroon kami ng kasunduan/written agreement. Hanggang sa umabot na ang naibigay ko sa kanya sa halagang 15,500 bilang puhunan.
September last year ay maayos pa naman po akong nakakatanggap ng remit sa mga nasingil na tinubo ng pautang. Dumating po ang month ng october hanggang ngayong january 2015, wala na po ako natatanggap Na interest Mula sa ahenteng si ricardo. Gayundin sa anak nyang si caren, na nagnais din mag ahente (nakapaglabas din ako sa anak na si caren ng 6,000 upang patubuan).
Napag alaman ko po na isa sa mga umutang at tinanong ko ng personal, kung sila ay updated ng paghuhulog kay Ricardo. Sinagot naman po ako ng maayos na nakakapag hulog po siya.
sinabi ko ngayon doon sa umutang na ako ang nagfinance kay ricardo at ni isang interest mula sa umutang na kausap ko ay wala akong natatanggap. Tinanong ko rin po kung may pinirmahan siyang papel na nagsasabing siya ay nakakuha ng pautang with certain amount. Sagot nya ay wala. Ang pag uusap ko at ng umutang ay di po alam ni ricardo.
isa sa mga sinasabi po ni ricardo sa text messages: hindi daw siya maniningil at hahayaan nyang lumobo ang interest ng mga umutang. Hiningi ko nman po ang mga dokumentong sinansabi nyang pinirmahan umano ng mga umutang, hinihingi ko rin po yung listahan ng mga kanyang nasingil Ngunit ayaw nyang ibigay. ipinakilala ko rin si sharon kay ricardo upang iharap sa mga umutang at ipakilalang bagong sisingil kasabay ng pag turn over ng mga docs na hinihingi ko. Ayaw po ibigay.
Dinala ko ko sa brgy ang reklamo ko.
Nag usap na kami sa brgy kaninang umaga bilang unang patawag.
Meron din po akong dalang "katibayan ng pag-aahente na hiningi kong pirmahan nya bilang patunay na tinanggap nya ang mga pera mula sa akin at pinapalagay ko rin po sa kanya doon kung sinu-sino ang mga pinag abutan nya ng pera ko. Ayaw din po pirmahan..ngunit inamin naman nya sa harap ng aming kapitan na tingggap nya ang mga perang iyon.
tanong ko po:
1. Pag nagharap kami sa brgy sa 2nd hearing, maari ko pa rin po bang ipilit na pirmahan nya ang katibayang hinanda ko?
2. After po ng 2nd hearing na walA pong pagkakasundong naganap, maaari na po ba akong dumiretso sa pulis kahit wala akong katibayan na tinanggap nya ang pera ko?
3. May laban po ba ako kung kakasuhan ko sya ng estafa kahit wala akong pinanghahawakan?
4. kung base sa hearsay d2 sa amin ay gawain na nila ang panloloko At marami na rin sila nautangan na di binayaran, at ang nais ko naman ay turuan sila ng leksyon dahil maari pa sila mambiktima, at ayokong makipag areglo sa halagang pinabayaan nya ( umabot na sa 48,+++ )
at ang nais ko po ay ipakulong na silang mag ama para matuto. Ano po ang magandang sabihin sa brgy na wag nalng mag 3rd hearing Dhil diretzo n kami ng pulis, pahingi nlng ng certificate to file action? Pede po ba yun?
5. Paano naman po kun wala din ako makuhang gusto tumestigo mula sa mga umutang..na sila ay nakapaghulog ng interest, madi-dismiss ba agad kaso ko? Ang txt messages po ba tatanggapin sa korte?
6. Ang anak po ni ricardo na c caren ay hindi sumipot sa unang patawag sa amin. Pwede po ba na ang magrepresent po sa kanya ay kanyang ama na si ricardo kahit po pareho ko silang inireklamo?kung 2nd hearing na at di pa rin sya humarap sa brgy, ano po consequences nya?
Sorry po sa talaga sa haba... help po...