Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Estafa para Ahente

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Estafa para Ahente Empty Estafa para Ahente Wed Feb 04, 2015 12:29 am

mimi_dehado

mimi_dehado
Arresto Menor


Hello po sa iyo/inyo Atty... hingi po sana ako ng legal advice..

May nagpresinta po sa akin na kung gusto ko daw maging financer nya sa pautang. Gusto po nya makakomisyon ng 25% sa bawat interest na masisingil nya bilang ahente ko. Siya ang kakausap sa umutang at ang bahalang maningil sa kanila Ng 20% kada 13 days.ang tawag nya sa ganitong sistema ay "extra".

Dahil sa nakita ko naman ang sitwasyon ng buhay nila..pumayag ako na maging financer ni Ricardo dahil naisip ko na baka ninais nyang kumita para may ipakain sa pamilya nya.

Nagsimula ang pagfinance ko sa kanya noong aug.1,2014. Dahil nagtiwala ako sa Kanya, hindi ko na nagawang magkaroon kami ng kasunduan/written agreement. Hanggang sa umabot na ang naibigay ko sa kanya sa halagang 15,500 bilang puhunan.

September last year ay maayos pa naman po akong nakakatanggap ng remit sa mga nasingil na tinubo ng pautang. Dumating po ang month ng october hanggang ngayong january 2015, wala na po ako natatanggap Na interest Mula sa ahenteng si ricardo. Gayundin sa anak nyang si caren, na nag ahente din (nakapaglabas din ako sa anak na si caren ng 6,000 upang patubuan).

Napag alaman ko po na isa sa mga umutang at tinanong ko ng personal, kung sila ay updated ng paghuhulog kay Ricardo. Sinagot naman po ako ng maayos na nakakapag hulog po siya.
sinabi ko ngayon doon sa umutang na ako ang nagfinance kay ricardo at ni isang interest mula sa umutang na kausap ko ay wala akong natatanggap. Tinanong ko rin po kung may pinirmahan siyang papel na nagsasabing siya ay nakakuha ng pautang with certain amount. Sagot nya ay wala. Ang pag uusap ko at ng umutang ay di po alam ni ricardo.

isa sa mga sinasabi po ni ricardo sa text messages: hindi daw siya maniningil at hahayaan nyang lumobo ang interest ng mga umutang. Hiningi ko nman po ang mga dokumentong sinasabi nyang pinirmahan umano ng mga umutang, hinihingi ko rin po yung listahan ng mga kanyang nasingil Ngunit ayaw nyang ibigay. ipinakilala ko rin si sharon kay ricardo upang iharap sa mga umutang at ipakilalang bagong sisingil kasabay ng pag turn over ng mga docs na hinihingi ko. Ayaw po ibigay.

Dinala ko po sa brgy ang reklamo ko.
Nag usap na kami sa brgy kaninang umaga bilang unang patawag.
Meron din po akong dalang "katibayan ng pag-aahente na hiningi kong pirmahan nya bilang patunay na tinanggap nya ang mga pera mula sa akin at pinapalagay ko rin po sa kanya doon kung sinu-sino ang mga pinag abutan nya ng pera ko. Ayaw din po pirmahan..ngunit inamin naman nya sa harap ng aming kapitan na tinangggap nya ang mga perang iyon.

tanong ko po:

1. Pag nagharap kami sa brgy sa 2nd hearing, maari ko pa rin po bang ipilit na pirmahan nya ang katibayang hinanda ko?

2. After po ng 2nd hearing na walA pong pagkakasundong naganap, maaari na po ba akong dumiretso sa pulis kahit wala akong katibayan na tinanggap nya ang pera ko?

3. May laban po ba ako kung kakasuhan ko sya ng estafa kahit wala akong pinanghahawakan?

4. kung base sa hearsay dito sa amin ay gawain na nila ang panloloko At marami na rin sila nautangan na di binayaran, at ang nais ko naman ay turuan sila ng leksyon dahil maari pa sila mambiktima, at ayokong makipag areglo sa halagang pinabayaan nilang mag-ama ( umabot na sa 48,+++ ang principal at interest)
at ang nais ko po ay ipakulong na silang mag ama para matuto. Ano po ang magandang sabihin sa brgy?na wag nlng mag 3rd hearing Dhil diretzo n kami ng pulis, pahingi nlng ng certificate? Pede po ba yun?

5. Paano naman po kun wala din ako makuhang gustong tumestigo mula sa mga umutang..na sila ay nakapaghulog na, madi-dismiss ba agad kaso ko?
ang text messages po ba pwedeng tanggapin sa korte?


Sorry po talaga sa haba... please po..help po...

2Estafa para Ahente Empty death treat maninggil ng pautang Sun Jul 12, 2015 2:52 pm

rockpiper


Arresto Menor


Pareho tayo ng case ng finance din ako sa pautang. ngayon ako pa pinagbabantaan.20k lng daw katapat ko kesa magbyad sya ng 300k

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum