Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ayaw umalis ng nakikitira sa sariling kong pamamahay

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

johnlee9210


Arresto Menor

Pinayagan ng isang mag-asawa na tumira sa kanilang pamamahay ang anak nilang babae kasama ang kanyang asawa at mga anak.
Subalit nagkaroon ng di pagkaka-unawaan ang mag-asawa at kanilang anak na dumating na sa puntong nilalapastangan na ng anak ang kayang mga magulang araw araw.
Pinaalis na magulang ang kanilang anak at kanayang pamilya  sa bahay ngunit ayaw pumayag ng anak.
Ano po ang pwedeng isampang kaso para mapaalis ang mag-anak na ito?

Katrina288


Reclusion Perpetua

May titulo ba ang mga magulang mo diyan sa property nila?

Habang nabubuhay pa ang mga magulang ninyo, ipagawa niyo sila (separately) ng deed disinheriting your sister para wala siya manahin pagdating ng panahon na yumao ng ang mga magulang ninyo.

http://www.kgmlegal.ph

johnlee9210


Arresto Menor

Salamat Katrina,
Yes, may titulo sila ng kanilang property.
Tama rin yung pag disinherit at sa ginagawa nila sa magulang naming eh talagang matutuluyan sila ng maaga.
Kung may titulo, ano next step para mapa-alis sila sa bahay ng mga magulang ko?

Katrina288


Reclusion Perpetua

Ok, kailangan ipabarangay ninyo yang mag-asawa para paalisin na doon sa bahay ng mga magulang ninyo. Kapag hindi naayos sa barangay ninyo, bibigyan ang magulang ninyo ng barangay ng Certificate to File Action (CFA). Gamit ang CFA, pwede sila kasuhan ng Ejectment case para paalisin doon sa bahay.

Goodluck.
-Atty. Katrina

http://www.kgmlegal.ph

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum