Si Sharon kasal sa civil kay Pedro. Nagsama sila ilang taon at naghiwalay sa isat isa ng landas. Nagasawa na si Pedro ng iba. Nakilala naman ni Sharon si Juan. Alam ni Juan na kasal si Sharon at Pedro sa civil pero pinakasalan pa din nya si Sharon sa civil at simbahan. Nagkaroon sila ng mga anak.
Tanong ko po sana:
Pwede po bang magpetition sa korte si Juan na Null at Void ang marriage nila ni Sharon base sa unang kasal ni Sharon kay Pedro?
Paano po ang mga anak ni Sharon kay Juan, legi o illegitimate po ba mga bata bago mag file at after mag file?
Kung mapatunayang void, paano po ang titulo ng lote na nabili noong nagsasama sina Sharon at Juan bilang magasawa. Si Juan lang ang nagbabayad sa lote dahil walang trabaho si Sharon hanggang sa mabayadan ng buo ang lote.
Paano po ang susunding apelyido ng mga anak ni Juan at Sharon kung mapatunayang void po ang kasal?
Bukod po dun, may time deposit po sina Sharon at Juan, buong winaldas lang ni Sharon ang ito lingid sa kaalman ni Juan. Ubos na ng malaman ni Juan, pwede po bang kasuhan ni Juan si Sharon bilang estafa po ba?
Magkano po ang aabutin sa kasong pag petition ng null/void? Ilang buwan po aabutin ng proseso kung magsasabing Not Guilty o Guilty si Sharon sa unang pagkikita sa korte/hearing?
Salamat po sa legal na advise o opinion. Pasensya na po sa haba.