Good Morning po. May naiwang lote po ang lola ko. 11 po ang anak nya, 8 ang buhay at 3 po ay patay na din. ang lote ngayon ay nahahati sa 4 na parte. ung 2 parte po natitirikan po ng bahay ng 2 pinsan ko (bale anak po sila ng panganay na anak ng lola ko). ang sabi daw po ibinigay daw po iton ng lola ko dun sa panganay na anak. wala na po nghabol although wala namn po kasulatan. ung 1 parte po, nagtirik po ng bahay ang tatay ko (patay na din po). sa akin po naiwan ung bahay. ngayon po pinababayaran saken ng magkakapatid ni tatay ung kinatitirikan kong lupa. ung isang parte po vancant po, kumbaga ipinagbibili din sa kung sinong gustong bumili. pumayag po ako magbayad sa kanila, pero wala po sila maipakita saken titulo. nawawala na daw po. sabi ng mga kapatid ng tatay ko.. pirmahan na lang daw. pagawa na lang daw ako ng kasulatan sa abogado tas pipirmahan nila. Legal po ba ang ganung solution?
Ang gusto ko po sana mangyari is ipaaus mismo ang titulo, kaso ang dami po palang kelangan at worst sigurado din po ako na ako ang gagastos para maaus ang titulo. ang pagkakaalam ko po, nakamother title pa at hindi pa naililipat sa mga anak.. 32 years na pong patay ang lola ko.