Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

grave threat via text, anong legal action pwedeng gawin?

Go down  Message [Page 1 of 1]

paranoia_rebirth

paranoia_rebirth
Arresto Menor

good day po! as the title says, ano po ang pwede kong gawin sa text message containing grave threat? mamaya kwento ko po kung ano pinagmulan at humantong sa ganito. pagpasensyahan nyo na po kung mapapahaba yung kwento, as much as possible gagawin ko pong detalyado para mas maunawaan. sana po mapag-ukulan nyo ng panahon na basahin ito ng buo.

anyway here goes the anonymous text message (na identified ko naman na personally kung sino kahit anonymous yung number sa akin)...

AUCN MO PANINILIP MO BRAD D KA PERPEKTO, DMO KILALA MGA TAONG NKPALIGID SAYO.. BK D MO ALAM KUNG BKIT NPATALSIK ANG MGA ANGKAN MO JAN SA KOOP..LAHI KA RING CORRUPT..BATA KA PA PARA UMAYOS SA KAYABANGAN MO BKA MPULAAN KA DIN.. ALALAHANIN MO BUMIBYAHE KPA NAMAN..PAG D KA MAGTIGIL SA MGA GNGWA MO MAAGANG MA BYUDA ANG ASAWA MONG 2ND HAND..GAGO PUTANG INA KA PAG D KP MAGTIGIL S PANINILIP MO MAY KALALAGYAN KA BRAD.
+63922-920-XX-XX
JAN. 4, 2015 18:50:02

KUNG MAY PROBLEMA KA BRAD KAUSAPIN MO UNG TAO HINDI UNG MAGPAPOGI KA, MAY ARAW KA RIN SAKIN HAYOP KA, KUPAL, MASYADO KANG NAGMMAGALING BOBO KA NAMAN, INGAT INGAT KA YABANG WAG KA LANG MATYEMPUHAN SA BYAHE DILA LANG WALANG LATAY SAYO..PUTANG INA MO LAHI KA RING CORRUPT MULA ANGKAN MO..MAGDASAL DASAL KA NA BRAD..
+63922-920-XX-XX
JAN. 12, 2015

ako po ay isang jeepney driver at kasalukyang board of director sa isang transport cooperative. aaminin ko po, naging madumi ang apelyido ko dahil sa mga kamag-anak kong naunang namuno sa koop namin almost 20 yrs ago. pero hindi po ako corrupt, hindi ako tulad nila. sa kasalukuyan ay nililinis ko po ang hanay ng korapsyon na naging kaugalian na sa coop namin. nagkataon na mayroon po akong nasagasaan, yun ay ang board secretary.

noong board meeting ng december sinilip ko po yung double compensation nya. sumasahod po kasi sya bilang sekretarya ng coop, tumatanggap pa sya ng per diem t'wing board meeting which is mali. dapat alin lang sa dalawa, hindi pwedeng pareho. dapat wala syang per diem sa board meeting or wala syang sahod as employee dahil hindi naman trabaho sa coop ang ginagampanan nya pag board meeting. natapos ang board meeting namin at ipinasok sa next month agenda yung status ng sweldo nya. dun nagsimula ang pagiging bitter nya.

ako ang direktor na naatasan para sa grocery give-aways sa aming mga members noong magpapasko. sinamahan ko ng special grocery pack para sa 10 best members. ipinamigay ang special packs noong christmas party namin. hindi lahat ng special give-aways ay naibigay sa pinakamababait naming myembro sapagkat hindi sila nakadalo o kung dumalo man ay umuwi din agad. surprise yung special gift packs na yun at walang nakakaalam sa listahan ng mga kasali maliban sa akin at sa aming kahera na syang nagmomonitor daily ng aming mga miyembro.

ako ang emcee nung time ng bigayan since ako ang may hawak ng listahan. sinabi kong pag hindi nakuha ay forfeited na (although hindi totoo dahil budgeted na yun para talaga sa mga mababait naming myembro). pinalabas kong ganun dahil alam kong may magkaka-interes dahil iisiping wala naman nang makikinabang dahil hindi na-claim. bago matapos ang christmas party, hindi lahat naubos. itinago ulit sa office ng isa sa staff yung mga natira. nung nakita ko ito binilang ko agad at nagkulang ng isa. may kumagat sa pain ko, ika ko. agad kong nagbantay kung sino sa staff na uuwi ang makikita kong magte-take home nun. at nakita ko rin sa wakas nung pauwi na sila, bitbit ng lalaki na kasama ng secretary namin. hindi ko sinita yung pangyayaring yun dahil na rin sa ayokong ipahiya sya sa natitira pang mga myembro sa party nung oras na yun. at tuluyan na silang nakauwi dala ang ninakaw nyang grocery.

walang pasok kinabukasan ang office. ikinwento ko sa ilan sa mga kasamahan kong driver/member ang nakita ko kagabi at in-assure ko silang sisibakin ko sya ngayong board meeting dahil sa pagnanakaw nya. kumalat ang chismis at nung  magkaroon na ulit ng pasok sa office ay nakarating sa kanya ang balita. at dyan na nga po nagsimula ang death threat text message.

wala naman po akong kilalang pwedeng magsend nyan maliban sa kanya dahil sya ang pinagtutuunan ko ngayon ng atensyon. isa pa pong magdidiin sa kanyang pagkakakilanlan ay yung paggamit nya ng salitang "BRAD" sa dalawang text na nareceive ko. expression po kasi nya madalas sa office ay, "pa-yosi ka naman BRAD..." madalas din may brad pag nagsasalita sya.

well sabi ko nga po sa title ako po ay nagtatanong kung anong legal action ang pwede kong gawin sa grave threat. nagawa ko na pong magpa-blotter. pagdating po ba sa labor code, ang pagbabanta pwede rin bang maging grounds for termination? kung hindi, crime rin po ba syang matatawag? nasa art. 282 d. of labor code kasi commision of a crime is valid ground for termination:
Commission of a crime or offense by the employee against the person of his employer or any immediate member of his family or his duly authorized representatives

other than labor code, criminally liable ba sya sa pagbabanta nya sa akin? anong kaso pwede kong isampa sa kanya para matuluyan na sya? pwede pong pa-quote ng batas na masasapul sya?

pasensya na po sa haba ng kwento ko. kailangan ko po talaga ng kasagutan. gustung gusto ko pong tumino na ang kooperatiba namin kaya gusto ko talagang malagas sila isa-isa. alam kong pag may na-sample-an matatakot na ang mga iba pa. sana mapag-ukulan nyo po ng pansin itong aking post. salamat po!

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum