Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Legal Advice: Slander/Physical Injury & Grave Threat?

Go down  Message [Page 1 of 1]

Raziel Mariae


Arresto Menor

On June 21, 2014

Dear Atty,

Dumulog po ulit kami sa Barangay namin ng June 21 (Saturday) upang abisuhan na nasa bahay po ulit ang tito ka na nagbabanta sa amin. Umuwi po siya don upang mag-droga. Ng nasa barangay na po kami ang sabi po nila sa amin hindi nila pwedeng hulihin ang tao kasi wala naman po ginagawa at di naman sila pwedeng pumunta don basta basta. parang balewala po yung blotter namin sa tyuhin namin. Dumulog po kami sa barangay baka po totohanin niya ang pagbabanta niyang papatayin kami at baka makasakit na naman po siya pero imbes na magmalasakit nag mga taga-barangay nagbigay pa po sila ng example na "yung taong nga na malapit sa inyo nabaril na tapos yung taong nakabaril ay pagagala-gala pa ay hindi maaresto kasi walang warrant of arrest" ang sa akin lang po andon na po tayo ang nais sana naman ay security para di na humantong sa malalang sitwasyon kaso sinabihan pa kami na "ganun talaga ang batas at procedure namin" so it's means wala talaga kaming maaasahan na security pabalik balik lang ang tyuhin namin sa bahay. Atty, nakaka-isang summon pa lang po kami pero mukahng ma-vovoid yung patawag namin dahil walang nag-receive ng summon galing sa barangay. Payuhan nyo po sana kami na pwedeng namin gawin ukol dito.

Salamat po ng marami.

On June 17, 2014

Dear Atty.

For legal process and advice, please.

Ganito po kasi yung nanyari, June 17 around 7:30pm, nag-iinom po ang tito at barkada niya sa sala.
Nagsimula po yung pag-wawala niya dahil sa nakatambak na basura sa gilid ng bahay naming at napasok din po ang lahat ng nanyari sa buhay niya at sa amin po sinisisi keso wala daw kaming naitulong sa kanila. Pero ang totoo po tuwing magkakaproblema ang pamilya niya lagging kami naman ang katulong nila gaya ng nabugbug yung anak niya kami ang nagpa-barangay at sumama para maresolba ang maipaalam sa Barangay ang nanyari. Tuwing walang makain at pamasahe ang anak niya sa amin sila lumalapit na agad naman namin natutugunan. Ang di lang naman naming nagawa ay yung araw na muntik na magahasa yung tomboy niyang anak which is hindi naming alam na nanyari, nagulat na lang kami ng umaga na may ganun palang nanyari. Hating gabi na po kasi umuwi yung mga bata kahit pinagsasabihan namin, sinasabi lang sa amin na hindi naman kami matutulog dito at minsan hindi namin alam na umuwi pala sila ng medaling araw galling sa labuyan. Hindi naman naming masara ang gate kasi nga po umuuwi sila sa bahay nila pamin-minsan. Nakatira po kasi kami sa iisang compound parang kwarto-kwarto.
Don na po siya nag-start mag-wala, yung mama ko naman po ay lumabas para tawagin ang kapatid ko para sa hapunan, kaso pag-baba ng mama ko kinompronta po niya yung tito ko ukol sa problema niya imbes na makipag-sap ng maayos ay inambahan po niya ang mama ko saktong pagbaba ng kapatid ko na nagtitimpi na po ng galit dahil sa mga narinig sa tito laban sa amin, sinabihan nya po ang tito ko na “KUYA FERDIE WALA KANG ALAM SA MGA NANYAYARI DITO” don po lalong nagalit ang tito ko at muntik na niya masapak ang kapatid ko buti na lang po ay nahawakan agad at iniwat sila ng kainuman ng tito ko pati ng mama ko. Lumabas po ng bahay ang mama ko para tumawag ng Barangay but unfortunately yung extension ng Barangay ay wala pa pong tanod kaya ng pabalik na po ng bahay ang mama ko nakasalubong po niya ang tito ko na nakamotor at bigla po niya tinadyakan ang mama ko dahilan para tumumba rin ang gamit niya motor, ako naman po ay nakatricycle para sundan ang tito ko ng nakita ko po yung mama ko tinulungan ko po siya that time ang tito ko naman ay itinayo at sumakay ulit sa motor niya para balikan ang mama ko at don na siya nagbintang na may lalaki ang ma ako at mga bastos na salita at ang pinaka-matindi po ay yung, “gusto mo barilin kita “ nakahawak po siya sa beywang niya na may dukot pero hindi po niya nailabas ang baril sa beywang niya. Marami pong nakarinig sa pang-bibintang, pagbabanta, at sa pagsipa niya sa mama ko.
Kaya po nagfile po kami sa Barangay kaso po ay wala kaming maibigay na exact address ng tito ko kasi hindi nap o siya umuuwi sa amin mag-2 years na po dumadaan lang po siya don sa amin para magwala, mag-shabu at tumambay ng kunti. Nakauwi pa po kami sa bahay para makapagpalit at pumunta ulit sa Barangay para magpahatid sa mga tanod sa hospital tumagal din po kami don sa Barangay siguro mga 8:40 na kmi naka-alis para mag-pamedical at don naming ulit siya nakita, iba na po yung suot niya. After namin sa hospital dumaan na rin kami sa police station para mag-file. Kinabukasan June 18 ay nakatanggap ng summon ang mga magulang ko para sa kanila sa kasong pananakit mga around 11pm na daw po nag-file ang tito ko laban sa amin. Hindi po nagalaw ng papa, mama at kapatid ko ang tito ko. Bukas, June 20 po sila mag-haharap pero yung summon ng tito kop o ay walang nag-receive kasi hindi na nga po siya don umuuwi at hindi rin naman po niya binago ang address na binigay niya sa Barangay.

Payuhan mo po kami atty. Ukol dito dahil hindi namin maintindihan ang Barangay naming paiba-iba sila ng sinasabi at parang wala sa taong ang konsentrasyon nila.

Thank you very much.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum