Naka-receive ako ng subpoena for the above mentioned case and gusto ko po sana malaman ang pwede kung gawin.
What happened was hinaharass ng ex-bf ng friend ko sya. Hinahayaan ko lang naman sila magtalo outside our office kasi ayoko naman mangialam. Pero sobrang naabala na ang friend ko and sinabihan na sya na pumasok ng isa pa naming friend kasi hinahanap na sya ng boss nya. Pero ayaw pa rin sya papasukin ng ex at pilit hinarangan (nasampal ng ex etong friend ko previously sa kanilang pagtatalo). So namagitan ako at nag excuse pa nga para sabihin sa ex na hinahanap na ang friend ko ng boss at kelangan pumasok. Etong ex nagalit at pinagsabihan ako na "ang hirap sa inyo nangingialam kayo e!" at napahiya at nagalit ako dun kasi never ako nangialam sa kanila. So sabi ko "kung nangialam ako matagal na kitang sinapak." So nagkatulakan kami nun at napunit ko ang damit nya, lumaylay din ang shirt ko dahil sa hawak nyo pero WALANG suntukang naganap at alam ko walang syang sugat.
This happened last Nov 18 2013 and ngayon lang ako nakareceive ng subpoena which was filed last Jan 10 2014 lang. I have two witnesses, yung friend ko na ex nya and another friend. Siya wala. And sabi daw may sugat sya sa leeg which I doubt kung totoo. Kung meron man, baka galos lang ng kuko ko.
Never ako nag-threat sa kanya so malinaw yun. My witnessess can corroborate that. Ano po ba maigi kong gawin? I know I have to prepare a counter-charge if ever di sya pumayag or what. Pasensya na at ngayon ko lang na-experience to at di ko po alam ang gagawin. Di ko rin ang alam ang penalty neto although panatag ako na wala akong ginawang serious offense. Are his charges valid?
Maraming salamat.