Need advise lang po. Sino sino po ba ang maaring maging testigo sa isang kaso ng bugbugan?
Ang asawa ko po kasi ay nakuyog ng walong tao at pinagbantaang papatayin ng ilan sa mga sangkot. Ang pagbabanta ay naulit sa ibat ibang araw. Huling summon na po namin sa barangay sa Feb 1 at nais po namin ituloy ang pagdedemanda. Ang mga pamilya po ng sangkot ay sinasabing hindi binugbog ang asawa ko at wala raw nangyaring pagbabanta. (magkakapit-bahay po kasi kami) nakakuha na po kami ng medico legal at inaantay nalang namin ang certificate to file action para makapunta sa husgado.
May lumapit po sa amin na dalawang tryk driver na nais kaming tulungan at nakita ang totoong pangyari. Ang iba po naming kapit bahay ay ayaw magsalita sa takot na madamay. Malakas po bang ebidensya pag tumestigo ung mga pamilya ng mga idedemanda namin? Sapat na po bang testigo ung dalawang tryk driver at ung medico legal para sa kaso namin? Maraming salamat po sa inyong tugon.
P.S. maari din po ba naming kasuhan ng perjury ung mga testigo daw?