ask ko lang po sana, yung boyfriend ko po eh nagwowork sa isang fast food restaurant somewhere in makati. 1 year na po xa mahigit sa company nila kaso po ang pinagtataka ko, hindi po minimum ang sahod nila ang lately lang po nya nasabi sakin na wala din po silang benefits na kahit na ano. To think na nasa metro manila po sila nakabase, dapat po diba minimum ang salary nila? 10hrs per day po ang trabaho nya pero hindi po overtime yun. yung 10hrs na yun nasa 320 sumthing lng po ang bayad sa knila per day? halos lahat po ng empleyado dun ganun ang sitwasyon. Ang kumpleto lang po yung benefits ay yung mga regular at ytung mga supervisors nila.
ang concern ko lang po papano po kung halimbawa maaksidente sila sa trabaho? wala sila makukuha na kahit na anong benefits ni ultimo backpay po wala.. My incident din po na minsan pumunta yung labor department sa knila pero ang kwento nya po sakin tinuturuan po yung mga empleyado sa mga isasagot nila sa labor agents kaya po hindi nabubuko yung sistema ng kumpanya nila.
papano po ba ang dapat gawin ng bf ko? hindi namn po yata makatarungan yung ginagawa ng kumpanya nila sa knilang mga contractual.
sana po maiadvice nyo kami sa sitwaxon na ito. salamat po