Good pm po! Gusto ko lang po sanang humingi ng advice. Tungkol po ito sa mother ko. Nanghiram po kasi siya ng alahas para isanla sa isang tiyahin ko na pinsan ng tatay ko. Worth 30k po yung alahas. Ngayon po di na natubos ng nanay ko yung alahas dahil sa kagipitan na po. Napagkasunduan na lang po nila ng tiyahin ko na palitan na lang yung alahas. Bale nagpagawa na lang po ulit ng kaparehong alahas. Bumili po ng gold yung nanay ko tsaka pinagawa na katulad nung alahas ng tyahin ko. Pero yung tiyahin ko po kung ano anong pinagkakalat tungkol sa nanay ko. Kesyo di daw nagbabayad ng utang kahit na nakapagkasunduan na nila. Pagkabigay po ng alahas sa tiyahin ko humingi na naman po siya ng 15k dahil daw sa interes dun sa alahas. Medyo tumagal po kasi ng 3-4 months bago naibigay sa kanya yung alahas dahil naghnap pa po kami ng pambili ng gold tska dun sa alahas. Balak ko po sana na bayaran ng 15k sa tiyahin ko pero gusto ko pong gumawa ng agreement o contract kung saan nakalagay na babayaran ko siya ng 15k at pagkatapos ay dapat wala na akong marinig na kahit anong chismis na galing sa kanya tungkol sa nanay ko kung hindi kakasuhan ko siya ng oral defamation. Valid po kaya yung agreement na yun pag ginamit sa korte sakaling lumabag siya sa agreement? At oral defamation po ba yung dapat kong ikaso kung sakali? Chismosa po kasi yung tiyahin ko. Kung ano anong kwento ang pinagkakalat niya tungkol sa nanay ko na kesyo "walang hiya" daw nanay ko at hindi nagbabayad ng utang samantalang bayad na siya pero di pa nga lang kumpleto. At sa kanya lang nagkautang ang nanay ko. Salamat po sa magrereply.
Free Legal Advice Philippines