Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa mga kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
Bukod sa pagdedemanda o paghahabla ang biktima ng karahasan ay maaring humingi ng protection order sa mga awtoridad para mapigilan ang ano mang karahasan o pang aabuso na maari pa nitong danasin.
ang protection order ay isang paguutos na magprotekta sa biktima at magbibigay pa ng iba pang kaukulang lunas upang siya ay hindi na muling makaranas ng karahasan.
ang mga probisyon ng protection order ay ipinatutupad ng mga ahensya ng gobyerno ng may kapangyarihang ipatupad ng batas - - katulad ng Barangay Protection Order (BPO), Temporary Protection Order (TPO) at permanent protection order (PPO)
Saan maaaring isumite ang aplikasyon sa Protection Order, para sa BPO?
Barangay kung saan nakatira ang aplikante
Para sa TPO o PPO
Family Court, Regional Trial Court, Metropolitan Trial Court, Municipal Trial Court o Municipal Circuit Trial Court na may teritoryal na hurisdiksyon sa kung saan nakatira ang nagpipetisyon.
salamat sa iyong katanungan.
atty karl rove