Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Illegal termination with just cause. Ano po ang karapatan namin?

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

andreamph


Arresto Menor

Good day, sana po ay masagot po ninyo ang mga katanungan namin.

Bago po sana namin ilapit sa NLRC eto gusto namin malaman ang opinyon nio po.


Ako po ay dating nagtatrabaho sa isang hotel sa Metro,Manila bilang head ng isang Department.

First week of december pinatawag po kami (Ako at mga katrabaho ko) sa departamento para po sa meeting kasama ang aming General Manager. Ang meeting po ay dahil sa mga kaganapan nung mga nakaraang buwan. Aaminin ko po na kami ay nangungumisyon sa mga guest sa mga guest naming foreigner na nanghihingi ng discount pero pinapatungan parin namin po namin ng maliit na porsyento bilang kumisyon namin at kung minsan ay may mga naiiwan na sukli ang mga guest na hindi na binabalikan ay aming itinatago. Aminado naman po kami sa kasalanang nagawa namin ng mga panahong iyon dahil nachacharge po kami ng walang dahilan at kahit hindi namin kasalanan kaya po ung mga perang nakukuha namin ay dun po namin pinambabayad pero nung dumating na po ang panahon na wala na kaming charge at hindi na po namin ginagawa ang bagay na iyon.

Nalaman po ito ng management namin dahil may isang staff po ako na nagsumbong. Inamin din po naming lahat ang aming pagkakamali.

Bago po matapos ang nasabing meeting ay sinabi po sa amin ng aming General Manager na End of Contract na daw po kami ng aking mga katrabaho. Wala pong Papel o kahit anong notice ang binigay samin. Lahat po VERBAL lang na sinabi. Sinabi rin po ng aming General Manager na makukuha po namin ang aming huling sahod at 13th month pay. Pero hanggang ngayon ay wala parin po.

Gusto ko lang po sana malaman ang sagot sa mga tanong namin sir/ma'am at kung ligal po ang ginawa samin.

1.) Karamihan po sa amin ay may Kontrata pa hanggang January.
2.) Tama po ba na walang papel o NOTICE na ibinigay sa amin at basta nalang po sinabi na tapos na ang kontrata namin? Pero nung meeting po ay nirecord nila ang lahat ng napagusapan sa meeting na iyon.
3.) Incase po na naterminate kami dahil sa Fraud at willful breach of trust, May karapatan po ba kaming makuha ang last pay at 13th month namin?
4.) May kasama po ako sa trabaho na pumunta sa philhealth kama kailan lng upang kumuha ng philhealth I.D pero sinabi po ng philhealth na wala daw po siyang PHILHEALTH. At dati po may staff ako na pumunta ng SSS at nalaman niang hindi po nahuhulugan ang SSS nia. Lahat po kami ay halos 1 taon ng nagtatrabaho doon at kada buwan po ay nababawasan ang sahod namin ng para sa PHILHEALTH at SSS. Ano po ang pwede naming maging aksyon regarding dito?
5.) May karapatan po ba silang hindi ibigay ang Certificate of employment namin?

Nagtanong na po kami sa DOLE at eto po ang reply nila.


Ms. Santos,

Ito po ay may kinalaman sa inyong email noong ika-8 ng Enero ng 2015 tungkol sa inyong kumpanya.

Nais po naming iparating na maaari pong matanggal sa trabaho ang isang empleyado kung kayo ay mapatunayang may ginawa na labag sa patakaran ng kumpanya.

Ang tamang proseso po ng pagtanggal sa isang empleyado ay dapat na may dalawang magkasunod na abiso mula sa employer: a.) ang unang abiso ay nagsasaad ng dahilan ng pagtanggal kalakip ang pagbibigay pagkakataon sa empleyado na magpaliwanag, b.) ang pangalawang abiso ay nagsasaad ng pinal na desisyon ng kumpanya na alisin na ang empleyado.

Ang last pay at 13th Month Pay ay dapat pa rin pong makuha ng isang nasisanteng empleyado.

Sana po ay nasagutan namin ang inyong katanungan. Maraming salamat po.

2015-01-08 14:22 GMT+08:00 Bureau of Working Conditions :


at eto po ang sagot ko.

Good day sir/madam.

Kami po ay tinanggal sa trabaho dahil kami po ay may nagawa na labag sa aming kompanya. Hindi po kami binigyan ng notice na kami ay tatanggalin wala pong WRITTEN NOTICE kundi verbal lamang po na sinabi sa amin na i eend of contract na po kami at bawal na kaming pumasok uli sa hotel na pinapasukan namin.

Hindi daw po ibibigay ang 13th month pay at last pay at certificate of employment namin ayon sa hr manager ng kompanya na pinapasukan namin.

Ano po ba ang maari naming gawin? Idadaan po ba ito sa kaso? Sana po ay masagot po ang aming katanungan muli. Maraming salamat po.


eto po ang sagot ng DOLE sa amin.

Ms. Santos

Ito po ay may kinalaman sa inyong email noong ika-10 ng Enero ng 2015 tungkol sa inyong pagkakatanggal sa trabaho.

Nais po naming iparating nararapat po na may written notice sa empleyado na mayroon nilabag na patakaran.

Kung ninanais ninyo na idulog sa sa DOLE and inyong concern, ay maaari po kayong pumunta sa malapit na Regional Office ng DOLE na may jurisdiction sa inyong workplace. Maaari ninyong makit ang kanilang mga address at iba pang contact details sa DOLE website

Sana po ay natugunan namina ng inyong katanungan.


Nais ko lang po sana malaman, If ever po ba na idaan sa kaso eto pwede din po ba nila kaming kasuhan dahil sa ginawa namin?

Maraming salamat po.

council

council
Reclusion Perpetua

andreamph wrote:
Nais ko lang po sana malaman, If ever po ba na idaan sa kaso eto pwede din po ba nila kaming kasuhan dahil sa ginawa namin?

Maraming salamat po.

Short answer: Hindi.

Pero kung sa "pwede" - pwede naman talaga dahil karapatan nila magsampa ng demanda pero kailangan patunayan iyon.

Pero kayo ay may karapatan sa tinatawag na due process na binanggit ng BWC.

http://www.councilviews.com

andreamph


Arresto Menor

council wrote:
andreamph wrote:
Nais ko lang po sana malaman, If ever po ba na idaan sa kaso eto pwede din po ba nila kaming kasuhan dahil sa ginawa namin?

Maraming salamat po.

Short answer: Hindi.

Pero kung sa "pwede" - pwede naman talaga dahil karapatan nila magsampa ng demanda pero kailangan patunayan iyon.

Pero kayo ay may karapatan sa tinatawag na due process na binanggit ng BWC.

attorney, pano po iyong last pay at 13th month pay at Certificate of employment na hindi namin nakuha?

tsaka attorney nung umamin po kami sa nagawa namin. nirecord po nila lahat ng sinabi namin. pwede po bang maging ebidensya yun? kanino po kami hihingi ng tulong attorney?

attyLLL


moderator

in my opinion, there was just basis to terminate your employment. however, you can seek damages at nlrc for the lack of due process. or file a case, and settle with the hotel for your past wages and COE.

the employer can file a case of estafa or falsification against you, but it may have difficulty without the support of the guest who was swindled.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum